Tumanggap ang mga pamilya nina Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin, Narciso Calayag, Jr. at Troy Justin Agustin ng tig- P30,000 mula sa Bulacan Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Incorporated (BFCCCII) sa pangunguna ng Pangulo nito na si Arthur Chua Dy sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kasama nila sa larawan sina Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, Pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office Rowena J. Tiongson at Raul Agustin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na tumanggap ng nasabing tulong para kay Troy Justin Agustin.