LABUYO
Johnny Mercado
Marami ng tao akong nakita na naghirap ng husto ng dahil sa casino at iyan ay hindi maikakaila sapagkat sa harap ng dalawang mata ko ang tunay na nangyari ng mga sandali noong sila ay nagpapasasa. Subalit, parang bula na naglaho ang kanilang kabuhayan na talaga namang ng panahong iyon ay talagang masasabi mo na wala ka ng hahanapin pa kung pera at pera lamang ang hahanapin mo sa kanilang bulsa.
Nariyan ang magagarang kotse na palit-palitang ginagamit sa pagpunta sa casino. Halos nagbuhay hari ang may-ari noong mga panahong iyon, hanggang unti-unti ay mahahalata mong isa-isang nagkakawala ang mga kotse. Mayroon siyang lakad na naka-kotse ng umalis at naka-taxi na lang kung umuwi. Hanggang ng lumaon ay naging isa na lamang sasakyan kaya pala ay isinasanla sa casino. At naubos na nga ang di mabilang na naggagandahang mga sasakyan.
Isinunod niya dito ay ang buong hardware at tistisan ng kahoy kasama rin ang mga gamit na lubhang mamahalin. Mga yero na kay kakapal na sa madaling salita ay isang buong tindahan na kumpleto sa mamahaling kasangkapan ang tuluyang nalusaw ng ganon-ganoon lamang.
Milyong piso ng kahoy ang laman hardware ang naubos sa hindi magandang kadahilanan. Napunta sa casino na walang kapararakan. Palibhasay walang anak, ang asawa nàman walang pakialam, walang alam sa nangyayari sa sariling tahanan kaya mauubos ang kabuhayan.
Ang masakit nito at hindi makakalimutan ng buong bayan ay sobra at sobra na ang pagkalulong sa casino ng taong minsan ay naging bida ng ating usapan. Bahay na kumpleto sa gamit ng bandang huli ng wala ng maibenta iba ay nadamay pa. May swiming pool sa itaas , ay ubos lahat , walang natira. Kung kailan lang maaaring nakikita nyo siya. Mga ilang buwan lamang ay pumanaw na po siya.
Ano na lamang ang mayhalaga na kasama sa kayang ibinenta na talaga namang nakapanghihinayang ay ang COLLEGE OF OUR LADY OF MERCY. Doon nakatayo ang bahay, hardware at saka mini sawmill. Punong-puno ng sasakyan iyon hanggang labas. Wala ka na halos maparadahan kung ikaw ay bibili na may dala kang sasakyan.
Ano nga ba sa buhay ng tao ang CASINO .Totoong nakapagbibigay ng luwag at trabaho subalit ano na lang sa mga lulong at addict sa sugal. Paano na kaya ang karamihan na pambili na lamang kakainin ay napupunta sa CASINO. ANO NGA BA IKAW SA BUHAY NG TAO……