Nina Carmela Reyes-Estrope at Mochie Lane Dela Cruz
LUNGSOD NG MALOLOS – Mga Christmas and Holiday decors, regalo at isinusuot na fashion accessories na ginawa ng mga lokal na negosyante sa panahon ng pandemya ang kabilang sa Bulacan’s fast and best buys sa five-day Hybrid Likha ng Central Luzon joint mall at online trade fair ngayong taon noong nakaraang linggo.
Ayon kay Edna Dizon, Department of Trade and Industry director sa Bulacan, ang mga palamuti at accessories na ginawa ng Malolos handicraft maker at yoghurts at iba pang produktong gatas na gawa sa Bayan ng Sta.Maria ay kabilang sa mga pinakamahusay na nagbebenta para sa Bulacan sa ilalim ng unang Hybrid Likha ng Central Luzon (LCL) Trade Fair na ginanap noong Oktubre 13-17 sa WalterMart Malolos, Bulacan
Ang mga tampok na produkto, mula sa mga processed food, regalo at souvenirs, fashion accessories, home at living products, ay gawa ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na tinulungan ng DTI.
Ang Hybrid trade fair ay isang kombinasyon ng traditional face to face at digital online event upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili na hindi makabisita sa mga mall sa oras na ito ng pandemya at makakatulong din at suportahan ang mga negosyante na ibenta ang kanilang mga produkto sa gitna ng health crisis.
Sa Bulacan, Nasa 13 physical exhibitors ang nagbenta ng kanilang mga produkto at 20 virtual exhibitors naman ang isinulong ang kanilang produkto sa pamamagitan ng Likha ng Central Luzon at DTI Bulacan FB pages.
Hinikayat naman ang mga mamimili at exhibitors ng Bulacan na gumamit ng online facility, pre-order taking scheme, at delivery logistics kaysa sa face to face purchase sa Waltermart Malolos mall na nagdulot naman sa kanila ng magandang benta.
Sinabi ni Dizon na nakapagtala ng halagang P375,000 na benta ang five-day trade fair sa Bulacan.
Ang Likha Central Luzon annual regional trade event na nagaganap sa loob ng 23 taon ngayon ay nagpapakita at nagtataguyod ng magkakaibang mga produkto at mga masasarap na pagkain ng pitong lalawigan ng rehiyon㇐ Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.
Ayon kay Mary Grace Reyes, DTI Bulacan information officer, itinuring na hindi matagumpay ang Pure online sales event noong nakaraang taon para sa buong Region dahil sa pandemya.
Mahigit sa 100 exhibitors ang lumahok sa Hybrid event ngayong taon mula sa pitong lalawigan ng rehiyon sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagbebenta.
Ang mga produkto ng Aurora na may slogan na “Siempre Aurora” ay naibenta sa SM City Cabanatuan; Bataan kasama ang Galing Bataan battlecry sa SM City Olongapo Central; Produktong Tatak Bulakenyo ng Bulacan sa Waltermart Malolos; Nueva Ecija’s Taas Noo Novo Ecijano sa SM City Cabanatuan; Pampanga’s Viva Pampanga products sa SM City Pampanga; Tarlac’s Natural Tarlac sa SM City Tarlac at ang Zambales kasama ang Zambales Finest sa SM City Olongapo.