Comelec gun ban checkpoint nagsimula na

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Sa isang simultaneous kick-off 12 midnight kahapon ay sinimulan na ang six months Jan. 9-June 8 Commission on Election gun ban checkpoints sa bansa para sa darating na May elections. 


Sa Bulacan, isinagawa ito sa MacArthur highway sa harapan ng Capitolyo sa lungsod na ito.


Pinamunuan ni Col. Christopher Leaño, hepe ng City of Malolos police station ang nasabing Comelec gun ban checkpoint kasama ang ilang opisyales ng Bulacan Provincial Police Office headquarters officers, ilang miyembro ng Philippine Army, force multiplier troops ng siyudad at ang Comelec office ng Bulacan sa pangunguna ni Bulacan Provincial Election Supervisor Atty. Mona Aldana Campos.

Maayos ang isinagawang pagsisimula ng Comelec gun ban checkpoint sa Lungsod ng Malolos sa harapan ng Capitolyo nitong Linggo ng madaling araw sa ilalim ng pamumuno ng chief of police nito, Col. Christopher Leano.  Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig


Pinuri ni Campos ang maayos at magalang na approach ng mga pulis at mga kasama nito sa nasabing checkpoint. 


Nagtagubilin si Police BGen Matthew Baccay, Police Regional Office 3 Director sa kanyang hanay ng bisitahin niya ang nasabing conduct ng checkpoint ng principle of plain view na hindi kailangang pabuksan ang compartment at mga pinto ng sasakyan ng motorista kundi ang titingnan lamang ay ang nakikita sa loob at labas nito. 


Sa ilalim ng principle of plain view, ang mga bintana lamang ang maaring buksan at hindi rin kailangang ang motorista ay bumaba ng sasakyan. 


Ipinaalala rin ni Baccay na magsisilbi na ring quarantine control points ang mga Comelec gun ban checkpoints at sinomang  walang maipakitang vaccination cards ay pipigilin ng tumuloy sa biyahe o lakad nito alinsunod na rin sa utos ni President Duterte.


Mahigpit naman aniyang ipinapatupad ngayong gun ban ang pagpapakita ng Certificate of Authority (COA) to possess, carry and transport firearms ng sinomang makitaan na may baril sa plain view checkpoint. 


Ipinaalala ni Comelec Reg. 3 Director Atty. Gloria Petallo na kahit mismo ang mga police at militar na nagpapatupad ng mga checkpoints ay dapat may COA. Maaring mag-apply ng COA sa website ng Comelec, dagdag niya. 


Ang mga nauna na umanong nakakuha ng COA ay hindi na kasama sa ni-recall ang mga licenses.


Automatic umanong recalled ang lahat ng permit to carry firearms ng lahat ng security details ng mga pulitiko at maging mga pribadong individual at kailangan nila ang COA bago muling maging legal ang pagkakaroon paghawak, pagdadala nito. 


Ayon kay Comelec region 3 assistant director at spokesperson Atty. Elmo Duque, ang checkpoint ay kailangang ilagay sa strategic na lugar kada munisipyo at siyudad partikular sa lugar na hinihinalang daanan ng mga lawless elements.
Ang bawat isang munisipyo o siyudad umano ay dapat may at least isang Comelec checkpoint. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Youth leadership training on a ‘Halloween’

By Isabela Grace del Rosario CALUMPIT, Bulacan - Instead of...

The House of the Philippines museum in San Diego, CA

By Carmela Reyes-Estrope SAN DIEGO, CALIFORNIA—Active and vibrant leaders and...

Secrets Behind Successful Speaking Events in Philippines

Hosting a successful speaking event requires careful planning...