Daan-daang mga Bulakenyo tumanggap ng trabaho, pangkabuhayan sa Labor Day Job Fair

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa, 79 na Bulakenyo na naghahanap ng trabaho ang natanggap on the spot at 31 na indibidwal ang nakatanggap ng livelihood packages sa 2023 Labor Day Job Fair for Local and Overseas Employment na pinangunahan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office katuwang ang Department of Labor and Employment na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Huwebes.

Bago magsimula ang job fair, nagsagawa ng employment counseling para gabayan ang mga naghahanap ng trabaho na makakuha ng akmang empleyo kung saan mula sa 544 na rehistradong jobseekers, 468 sa kanila ang kwalipikado para sa mga sumunod na interview kung saan 79 na aplikante ang natanggap on the spot.

P20M FOR THE BULAKENYOS

Gayundin, 31 na indibidwal ang nabigyan ng pangkabuhayan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o ang Kabuhayan Program ng DOLE.

Sa kanyang mensahe, inanunsiyo ni DOLE Regional Director Geraldine M. Panlilio na magkakaloob rin ang DOLE ng P20 milyon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na gagamitin para sa mga hinaharap na implementasyon ng mga programa ng DOLE sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

“Marami po kaming ibibigay na suporta dahil isa po ang Lalawigan ng Bulacan under the leadership of Governor Daniel R. Fernando na nag-iimplment po ng mga programa ng DOLE para sa ikabubuti ng mga Bulakenyo. Ito po ay ipinagpapasalamat namin dahil alam po namin na kapag Bulacan po ang kapartner ng DOLE, sigurado na maibibigay ang serbisyo para sa mga Bulakenyo,” ani RD Panlilio.

Pinasalamatan naman ni John Manuel Martillano, 24 anyos mula sa Lungsod ng Meycauayan, ang Pamahalaang Panlalawigan dahil nagsilbi itong instrumento sa mga naghahanap ng trabaho matapos ang pandemya.

NEGO-KART RECIPIENT

“Nalaman ko po sa Facebook, sa PESO Bulacan page at sabi ko, why not i-try ko na mag-apply and praise God naman at isa ako sa mga na-hired on the spot sa Chery Auto. Kaya po maraming, maraming salamat po sa DOLE at PGB sa pagbibigay ng opportunity sa bawat Bulakenyo lalo na ngayon na matapos ang pandemic, mahirap talaga maghanap ng trabaho. Maraming salamat po at God bless po,” ani Martillano.

Sa kanyang bahagi, kinilala ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga suporta na natatanggap ng lalawigan mula sa mga ahensiyang nasyunal, lalo na sa DOLE sa kanilang walang tigil na pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan para sa mga Bulakenyo.

“Tandaan natin palagi na ang Panginoon ay may instrumento para sa pagtulong sa atin. Alam n’yo po ang Bulacan ay hindi pinapabayaan ng DOLE, at ngayon ay may ibibigay po sila atin para lalo pang matulungan ang ating mga kalalawigan sa kanilang hanapbuhay. Sa lahat po ng beneficiaries, palaguin natin ang mga ito at ipakita natin sa kanila na ito ay malaking tulong at ang mga ito ay may kahihinatnan,” anang gobernador.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

A CELEBRATION OF EXCELLENCE

Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro...

Ripple Labs Secures RLUSD Approval, XRP Price Rises Over 23%

Ripple Labs achieves a milestone with NYDFS approval for...