Dalawang libong iskolar, tumanggap ng tulong pang-edukasyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – May 2,000 iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang tumanggap ng tulong pang-edukasyon sa ginanap na Gender Sensitivity Awareness Seminar sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito.

Kilala bilang “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” scholarship program sa ilalim ng Tanggapan ng Panlalawigang Tagapangasiwa, kaloob nito ay educational financial assistance para sa mga estudyante mula sa iba’t ibang educational institutions kabilang ang P3,500 para sa OS Private, P3,000 para sa State Universities and Colleges (SUCs) at Senior High Schools (SHS), sa parehong pribado at publiko, at P5,000 para sa Masteral.

Nagsimula ang kaganapan sa isang talakayan tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao/Values Education na pinangunahan ni Bishop Michael Perez, tagapangulo ng Bulacan Cadence New Generation.

Nagbigay rin ng mga pananaw sa gender sensitivity si Project Development Officer III at Gender and Development Secretariat Katherine G. Faustino mula sa Provincial Social Welfare and Development Office, kung saan ipinaliwanag niya ang mga pagkakaiba ng kasarian at gender.

Sinundan ito ng pamamahagi ng tulong pang-edukasyon na pinangunahan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis Castro, mga Bokal Allan Andan at Romina Fermin, at Catherine A. Inocencio, assistant department head ng Tanggapan ng Panlalawigang Tagapangasiwa.

Nagbigay din ng mensahe si Fernando at hinikayat ang mga iskolar na ituon ang kanilang pansin sa kanilang mga layunin.

“Pagbutihin ang inyong pag-aaral. Pangarap ng ating mga magulang na makapagtapos tayo ng pag-aaral. Ito ang tanging yaman na maipapamana sa atin. Kabataang Bulakenyo, umaasa po kami na kayo ay makarating sa mga pangarap na gusto n’yong marating. Hayaan ninyo na ang Diyos ang mangarap sa inyo. If you want something, just pray for it,” anang The People’s Governor.

Binanggit din niya na sa kasalukuyan, higit sa 16,000 iskolar ang tumatanggap ng tulong pang-edukasyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Gayundin, binigyan kamakailan lang ng sertipikasyon ng Philippine Commission on Women (PCW) ang Lalawigan ng Bulacan bilang isang Gender and Development Local Learning Hub mula 2024-2027.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng mga pagsisikap ng lalawigan sa pagtataguyod ng gender-responsive na lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga GAD mechanism, pagpapatibay ng pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon ng kababaihan, at pagsasama ng gender perspectives sa mga programa na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga marginalized na grupo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Say Bye To Red Flags and Hello To Green Flags

TanTan Tribe Officially Launches To Provide An Inclusive and...

FREE Ugly Xmas Sweater Tonight: UNAWA’s Road to 12.12 TikTok Live at 11 PM!

Tune in to UNAWA's Road to 12.12 TikTok Live...

How Babylon Bitcoin Staking Works and 9 Important Things to Know

Discover Babylon Bitcoin Staking: a secure, decentralized way to...

Comprehensive Guide to Bitcoin Staking on Babylon via Bitrue APR Up To 2,3%

Unlock Bitcoin's potential with Babylon and Bitrue! Stake BTC...