DANIEL FERNANDO: Gobernador, itinakda, pinagpala 

Published

GUIGUINTO, Bulacan–Dalawang beses nabigo sa pagka-bise gobernador matapos na unang pangakuan noong 2004 subalit hindi itinuloy na siya ay kunin at ikalawa ay matalo taong 2007, ang sikat na multi awarded actor na bida ng obra maestrang pelikulang “Scorpio Night” ay itinulak ang kanyang sarili upang mag-iba na ng career, mula sa puting tabing, lingkod-bayan ay maging isang chef naman. 


Pormahan na ng mga kandidato para sa 2010 election, naka-enroll na noon sa isang culinary school sa Metro Manila si Gob. Daniel Ramirez Fernando upang maging chef dahil likas din sa kanya ang pagiging masarap magluto nang isang tawag sa telepono ang matanggap niya mula sa isang dating kongresista sa ika-4 na distrito at inaamuki siyang kumandidato bilang bise gobernador katambal ng noo’y sasabak sa pagka-gobernador, Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado. 


Napadalawang isip ang ginoo sa balak niyang pag-aaral ng culinary at sa huli ay napa “oo” na siya. Nag-bise siya kay Alvarado and the rest is history. 


Naging mabuting kasama at kaibigan at higit sa lahat ay bilang isang bise gobernador at sa paglilingkod sa lalawigan itong si Daniel at itinuring na halos ay tatay o nakakatandang kapatid si Willy. Naging magalang, masunurin, nakisama ng lubos at nagamahal bilang kasama at kaibigan. 


Kaya naman, walang talo at walang tinag ang tambalang Willy-Daniel mula 2010-2019 hanggang sa magkahiwalay sila para sa halalan sa Mayo 9. 


Mula sa isang payak na buhay at pamilya si Daniel, tubong Tabang, Guiguinto talaga. 


Sa edad na 22 years old ay may karanasan na sa pulitika, liderato at paglilingkod-bayan si Gob, dahil taong 1980-1984 ng maging Chairman siya ng Kabataang Barangay sa kanilang lugar sa Tabang. 


Nakatapos siya ng kolehiyo sa University of the East at sa panahong ito ay naging artista na siya mula sa pagiging aktibo sa mga stage plays sa lalawigan. 


Sumabak siya sa lokal na halalan sa minamahal niyang bayang Guiguinto subalit hindi siya pinalad kaya patuloy siya sa pagpapayabong ng kanyang career bilang mahusay na actor. 


Taong 1998 ng bumalik muli siya sa pulitika sa lalawigan bilang second district board member at natapos niya ang kanyang tatlong termino o siyam na taon sa puwesto hanggang 2007. 


Taong 2007 din ng una siyang sumabak sa pagka-bise gobernador subalit tinalo siya noon ni Wily. Kasama niya noon si dating Bise Gob. Aurelio “Rely” Plamenco bilang kanyang gubernatorial running mate. 


Noong 2010, sa pagtakbo nga ni Willy bilang gobernador ay kinuha siyang bise at ang kanila ngang tambalan ay nanatili hanggang 2019 at nagpalit na lang sila ng halalan ng taong iyon nang matapos ang kapwa nila tatlong termino.
Kuwento niya, noong siya ay lumaban ng bise gobernador taong 2010 ay P50,000 lamang ang kanyang hawak na pera at hindi na rin niya yata na-refund ang ibinayad niyang tuition fee sa culinary school. 


Sa halalan din na iyon noong 2010, naipakita ni Daniel ang lamang sa boto ng isang may “artista factor”. Run away victory ang kanyang panalo laban sa kanyang katunggali. 


Sa kaarawan niya sa Mayo 12 ay 60 anyos na siya. Isang napakalaking regalo at pagpapala mula sa Diyos kapag ang nais ng kanyang puso at nang lahat ng nagmamahal sa kanya ang mangyayari o matutupad, ang siya ay manalo at makamit ang kanyang ikalawang termino sa pinakamataas na posisyon sa Capitolyo.


Napakalaking tagumpay ng kanyang panalo sa Mayo 9. Ganunpaman ay nakapag-ugit na siya ng kasaysayan, isang SK leader, artista, bokal, binalak maging chef subalit hindila pabalok sa pulitika at naging 9 na taong bise gobernador at ngayo’y nasa unang termino niyang gobernador, isang lubos na itinakda at pinagpala

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

A CELEBRATION OF EXCELLENCE

Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro...

Don’t Miss the Insanithink Year-End Special at Viva Café!

Mark your calendars, comedy fans! The year is...