DPWH inaksiyonan ang kontra baha sa NFA Tikay at SM Marilao

Published

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Target na mapabilis ng matapos ngayong buwan ng Hunyo ang reblocking at upgrading ng kalsada sa harapan ng National Food Authority (NFA) office sa Tikay sa Mac-Arthur highway sa siyudad na ito na laging nilulubog sa baha kapag malakas ang ulan o may bagyo at siyang nagiging dahilan upang maging non-passable ang Malolos Mac-Arthur highway.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineering Office Head Henry Alcantara, itinataon nilang matapos ang proyekto ngayong bago ang panahon ng tag-ulan upang ma-address na ang matagal ng malalang problema ng pagbaha sa lugar sanhi upang hindi ito madaanan ng anumang light vehicle kapag biglang lumakas ang ulan o may bagyo.

DPWH First District Engr. Henry Alcantara. Photo by Rommel Manahan.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng halos P69.5 Milyon na upgrading and reblocking ng 2 kilometrong kalsada sa nasabing lugar. SInimulan ito noong last quarter ng 2020 sa kabila ng COVID-19 pandemic matapos na aprubahan ang proposal ni Alcantara sa kanilang ahensiya na malagyan ito ng pondo para sa nasabing taon.

Ayon kay Engr. Ernesto Daos, ang pinuno ng Construction Division ng nasabing tanggapan, tinaasan din ang drainage canal sa NFA compound upang matiyak na dadaloy ang tubig papuntang kailugan at maiiwasan ang pagbaha.

Perennial flooding area ang lugar tuwing tag-ulan dahil sa mababang kalsada at walang pagdaluyan ng tubig baha.

Sa Bayan ng Marilao, dumaan na rin sa upgrading ang perennial flooding area na harapan ng SM Marilao sa Mac-Arthur highway at ngayon ay nagtatayo ng pumping station ang DPWH Second District Office upang patuloy na maibsan ang pagbaha sa lugar.

Ayon kay DPWH Second District Engineer George Santos, ang pumping station na kanilang ilalagay malapit sa lugar ay aalisin ang tubig baha sa kalsada patungong katabing ilog sa may Poblacion upang tiyaking maibsan ang pagbaha sa lugar.

DPWH Second District Engr. George Santos. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Nauna ng isinagawa ang upgrading ang reblocking ng kalsada sa nasabing lugar sa panahon ni dating DPWH Second District Engineer Ramiro Cruz. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...