Ni: Rolly Alvarez

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Naging pangangailangan na nga ang pagkakaroon ng COVID 19 test result sa iba’t ibang transaksyon- sa trabaho, sa biyahe at maging sa pagbisita sa ospital upang makasiguro na hindi kumalat ang nakakahahawang virus sa kabila ng pagtugon sa pangangailangan ng tao.

Gayunman, marami ang may alinlangan na kumuha nito sa mga testing centers dahil sa pangamba na sa mismong pasilidad pa magkaroon ng hawahan.

Ngayon, upang mawala ang takot ng masa sa banta ng pagkahawa, inilunsad ng Be Safe MD Medical Clinic ang Drive to Swab na matatagpuan sa parking lot ng SM City Mall ng Lungsod ng San Jose Del Monte. Bukas ito sa mga nais magpakuha ng Antigen at RT-PCR test mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. 

Ang kanilang FDA approved antigen nasal swab test ay nagkakahalaga ng P950 na may pirma ng isang licensed physician habang ang RT – PCR ay nagkakahalaga ng  P3,350  na ang resulta ay maipoproseso 24 oras mula sa mga partner DOH accredited laboratories.

Ang Drive to swab ay tumatanggap din ng home service testing. Maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang official Facebook Page: https://www.facebook.com/drivetoswab/.

Para naman sa kaukukulang impormasyon at update mula sa mall, i-like at follow  ang SM City San Jose del Monte‚Äôs Facebook page :at https:www.facebook.com/SMCitySanJoseDelMonte/instagram at https://instagram.com/smcitysanjose.