Sa inilulunsad na Anti-criminality campaign ng Zambales Provincial Police Office laban sa illegal na droga kamakailanlang, nadakip ang 5 drug traders at nasamsam ang nasa 20 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P136,000.00.

Sa ulat na iniabaas ni PCol. Fitz Macariola, Zambales Provincial Police Director, (PPO), ang apat sa mga suspek ay nahuli sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation (Buy Bust) noong Biyernes Peb. 18, sa pangunguna ng PDEA Zambales kasama ang operatiba ng SDEU Subic MPS sa pamumuno ni PMaj. Noel C. Sitjar, OIC at ZPPO PDEU/PIU.

Matagumpay na nalansag ang isang drug den na pag-mamay ari nina Virgilio Narzaro Paner at Arvin Narzaro Paner sa Brgy. Matain, Subic, Zambales kasama sina, Richard Deloza y Pampanga, residente ng New Kalalake, Olongapo City at Christian Graciel Roseta y Pasamonte, residente Brgy. Asinan Poblacion, Subic, Zambales.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagka samsam ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000.00.

Bago pa rito ay matumpay ang pag implement ng Search Warrant ng San Narciso MPS sa pangunguna ni PLt. Kathryn Joy G. Miranda, OIC kasama ang PDEA, PDEU sa pangunguna ni PMaj. Bryan B. Odien, PIU-ZPPO sa pangunguna ni PMaj. Beverlie Alllapitan at 1st PMFC sa pangunguna ni PMaj. Mark Louie M. Sigua, Force Commander.

Ang mga nasabing mga suspek sa ngayon ay nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahuli ang suspek na Philip John Rebojio Begonia alyas “JP”, isa sa myembro ng Buela Criminal Group at isang High Value Individual (HVI) sa Brgy. La paz, San Narciso, Zambales, at nakumpiska ang 5 gramo na pinaghihinalaang shabu na at tinatayang nagkakahalaga ng 34,000.00 at ibat-ibang uri ng paraphernalia.

“Ang inyong kapulisan ay nag-nanais ng mapayapa at maayos na pamayanan at mapangalagaan higit ang kapakanan ng ating mga anak. Ang aming pagsisiskap na maging Illegal- Drug Free Province ang Zambales” dagdag pa ni PCol. Fitz Macariola.