Ilan lamang ang mga modular tents na ito sa tinanggap ng munisipalidad ng Bulakan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinamahagi ni Senador Joel Villanueva sa lahat ng 24 na mga punong bayan ng mga bayan at lungsod sa Bulacan ilang buwan ang nakakaraan upang magamit sa katulad nitong bagyong Egay at southwest monsoon na mga emergency and disaster needs ng ating mga kababayan. Nasa halos 60 residente ng Gardenia area sa Malusak St., Barangay Sta. Ana ang mga evacuees na ito sa Bulakan Evacuation Center. Kuha ang larawan noong Linggo, ikatlong araw nila sa loob ng nasabing pasilidad. .
Published