DSWD, kinilala ang Tahanang Mapagpala sa Bulacan bilang isa sa 10 outstanding social work agencies sa bansa

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang resulta ng kanilang mahalagang kontribusyon sa lipunan, kinilala ng Department of Social Welfare and Development ang Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation, Inc. mula sa Lungsod ng Malolos bilang isa sa 10 Outstanding Social Work Agencies (SWAs) and Auxiliary Social Welfare and Development Agencies (SWADAs) sa bansa sa isinagawang awarding ceremony nito sa SM City Novaliches, Quezon City kahapon.

Sa kanilang pangunahing layunin na magbigay ng tahanan at pangkalahatang suporta sa mga nakatatandang kababaihan na napabayaan, naghihirap, walang tirahan, disadvantaged o may may karamdaman, ang Tahanang Mapagpala ay isang center-based na institusyon na kaanib ng Diocese of Malolos na pinamamahalaan ng Sisters of the Divine Shepherd (SDS).

Samantala, tumanggap ang lahat ng mga pinarangalan ng plake at P50,000 halaga na cash incentive at kabilang sa mga ito ay ang Little Children of the Philippines Foundation, Inc.; Unbound-Zamboanga Project Foundation, Inc.; Kasanag Daughters Foundation, Inc.; at ang Mahintana Foundation, Inc. para sa Outstanding SWAs habang ang pinarangalan naman sa Outstanding Auxiliary SWADAs ay ang Child’s Trust Is Ours To Nurture (ACTION), Inc.; Negrosanon Young Leaders Institute, Inc.; IPI Foundation, Inc.; Living New Philippines, Inc.; at ang University of the Philippines Medical Alumni Foundation, Inc. (UPMAF).

Sa kanyang bating pagtanggap, inialay ni Gladys Sta. Rita, pangulo ng Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation, Inc., ang pagkilala sa mga isponsor, benepisyaryo, manggagawa at tauhan ng foundation.

“Malaking bagay po ang napakahalagang pagkilalalang ito na may bonus pang P50k financial incentive sa mga nanalo. Nakakataba po ito ng puso sa aming lahat bagama’t nagtratrabaho po tayo ng kusang loob at walang hinihintay na kapalit. Salamat sa mga lola ng Tahanang Mapagpala, nang dahil sa kanila ay nabigyang pagkakataon kami na makapaglingkod sa Panginoon,” ani Sta. Rita.

Naitatag ang Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation Inc. noong 2001 ng Senate Spouses Foundation Inc. sa pangunguna ng dating pangulo nitong si Lourdes LL. Pimentel at yumaong dating Project Chairperson Susana B. Ople.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Taliptip, Perez road rehab tapos ngayong June

BULAKAN, Bulacan—Sunod sa schedule na matatapos ngayong buwan ng...

SM Bulacan malls celebrate 126th Philippine Independence Day

SM Malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan joined the...

EVAP Welcomes New Member QSJ Motors Philippines, Launches Seres Brand in Local Market

Manila, Philippines, June 10, 2024 – The Electric Vehicle Association...

Prayer for the flag

By Herman M. Lagon As the vibrant flags flutter and stories of...