DTI Usec Rodolfo, Fernando, pinangunahan ang paglulunsad ng Invest Bulacan PLUS

Published

External Affairs Division PPAO

LUNGSOD NG MALOLOS– Upang palakasin at suportahan ang pagsasakatuparan ng imahe ng Bulacan bilang ideyal na sentro ng pamumuhunan at negosyo sa Pilipinas, pinangunahan nina Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary at Managing Head ng Board of Investments (BOI) Dr. Ceferino S. Rodolfo at Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng Invest Bulacan PLUS sa Casie’s Restaurant, Brgy. Dakila sa lungsod na ito noong Biyernes.

Nangangahulugan ang PLUS sa Invest Bulacan PLUS na Promote, Leverage, Upscale, at Synergize o ang pagpapaunlad at pagsusumikap sa pagsulong ng pamumuhunan ng lahat ng stakeholder sa parehong sektor ng gobyerno at non-government tungo sa sustainable at inclusive growth ng Bulacan.

Sa lahat ng mga high-ticket na proyekto kasama ang Bulacan International Airport, Megaworld, at Mega City na ginagawa sa lalawigan, ibinahagi ng trade and industry undersecretary ang kanyang bisyon sa Bulacan.

“Seeing the development in Bulacan, I think we could really work at developing Bulacan as Bulacan, not just because it is near to Metro Manila, not just because it is the gateway from Metro Manila to Central Luzon, and vice versa, but because of the impressive economic development of Bulacan,” ani Rodolfo.

Samantala, binanggit ni Fernando ang mga pagkilala sa larangan ng ekonomiya na natanggap ng lalawigan kamakailan kabilang ang Ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province mula sa National Competitiveness Council, Top 7 Fastest Growing Province in the Philippines, at Top 4 Contributing Province sa 2022 National Gross Domestic Product mula Philippine Statistics Authority, at sinabi na ang Invest Bulacan PLUS ang magsisilbing matibay na pundasyon na nakahandang umakit ng mas marami pang pamumuhunan at lumikha ng mga trabaho para sa Bulakenyo.

“Naniniwala po ako na ang tunay na kasaganaan ng isang pamayanan ay matatamo sa pamamagitan ng masiglang kalakalan at kabuhayan na nilalangkapan ng sipag at tiyaga ng nagkakaisang mamamayan,” anang gobernador.

Gayundin, pinirmahan nina Rodolfo at Fernando ang Memorandum of Agreement on the Promotion, and Facilitation of Investments and Investor Servicing sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at DTI-BOI.

Dagdag pa rito, pinangunahan ni Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng mga interim officer ng Local Economic Development and Investment Promotions Officers (LEDIPO) Association of Bulacan (LAB).

Dumalo rin sa programa sina BOI-Investments Assistance Center Executive Director Abgd. Bobby G. Fondevilla, BOI-Investments Assistance Service Director Ernesto C. Delos Reyes, Jr., Bulacan Chamber of Commerce and Industry President at Bulacan Investment and Incentive Board Corina T. Bautista, DTI Region 3 OIC Assistant Regional Director at DTI Bulacan Provincial Director Edna D. Dizon, Bise Gob. Alexis C. Castro na kinatawan ni Wynn Rose Cruz, mga Bokal Arthur Legaspi, Cezar Mendoza, at Romina Fermin, at Pinuno ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office Abgd. Jayric L. Amil.

Pumunta rin sa paglulunsad ang mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino kasama sina Pinuno ng Provincial Planning and Development Office Arlene G. Pascual, Pinuno ng Provincial Agriculture Office Ma. Gloria SF. Carrillo, Pinuno ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office Dr. Eliseo S. Dela Cruz, at Pinuno ng Provincial Public Affairs Office Katrina Anne B. Balingit.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Felicidad T. Sy Foundation Celebrates Love and Faith with ‘8th Kasalan sa SM’ Mass Wedding

The Felicidad T. Sy Foundation, Inc. (FTSFI) united 16...

IMPULSES: ‘Everything is grace’

By Herman M. Lagon Each moment, event, and encounter carries...

Perseverance Pays Off

Edrian B. Banania, Junior Writer Entrepreneurs like Allan Caldosa from...

Triumphing over tragedies

Mary Rose Javier, Junior Writer Resiliency is the key to...