SUBIC BAY FREEPORT, Olongapo City—Outgoing Central Luzon Media Association (CLMA) Region President Carmela Reyes-Estrope, receives a Plaque of Appreciation from top official of the organization during its 45th year anniversary celebration held on Sept. 22, 2023 at The MG Grand Hotel in this city.
Newly elected CLMA Region president, Vic Vizcocho Jr., who is also the president of the CLMA Zambales-Olongapo chapter handed the award.
The award reads, “In recognition of her outstanding efforts and determination as President of Central Luzon Media Association (CLMA) for the period 2021-2023 that led CLMA to become a more active and collective organization”.
Estrope is Philippine Daily Inquirer Correspondent for Bulacan and NEWS CORE’s publisher and editor-in-chief.
She had served and reinvigorated the CLMA during her term when she fought hard for the establishment of new chapters amidst strong opposition by some individuals.
She also strongly upheld a chapter decision to remove a current head in one of the provinces and later caused the expulsion from the CLMA due to unethical practices.
The CLMA under Estrope’s term became alive and vibrant through the monthly directorate meetings held in different provinces where the region officers mingled and bonded with local chapter members to renew and re-strengthen the ties and camaraderie as fellows in the CLMA.
She also introduced health and welfare projects, listed CLMA to the annual Marcelo Del Pilar Day in Bulakan town and including tree planting activities.
But Estrope owes her successful more than two years leadership of the CLMA to all the officers and members who supported her particularly her predecessors, Region Immediate Past President (IPP) Mel Ciriaco and Region Chairman of the Council of Leaders Neth Lagasca-Carlos of Nueva Ecija and contemporary officers, Pampanga Chapter IPP Armel San Pedro, Tarlac Chapter President Billy Nuqui, Aurora President and Vice President Richard Serquena and Jason De Asis and Vizcocho.
(This is Estrope’s valedictory speech, delivered during the induction of the CLMA Region new officers).
“My Trophy
Nakarating ako ng Palayan City, naging kapitbahay ko lang ang Cabanatuan City at ang Bongabon samantalang dati rati, Gapan lang ay layong layo na ako.
Namangha ako sa mga kalsada ng Rizal at Pantabangan papuntang Baler. May mga naging bagong kaibigan sa Aurora. Na-amaze ako sa ganda ng mga arko ng Tarlac lalo na ng Camiling at Santa Ignacia. Ang Hacienda Luisita, daan daanan ko lang. Nakilala at nakaharap ko si dating Mayor ReyCat ng Capaz, Tarlac at naipasyal niya kami sa kanyang commercial dulang katabi ng New Clark City. Ilang beses ko binaybay ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX), gabi, umuulan, madaling araw, mula Subic papuntang Cabanatuan City. Dumaan at naligaw sa Allaga. Natuklasan ang F. Vergara Highway. Ginawa ko lang almusalan at kapehan ang Angeles City at San Fernando, Pampanga. Hindi ko na maalala kung gaano ako kadalas nag load ng 1k sa Easy trip ko para sa back and forth kapag sa Clark at sa Subic ang meeting at activities. Sosyal na sosyal ang datingan namin mga CLMA na taga Bulacan kasi pa-Clark Clark at Subic na lang kami lagi.
Ilang beses ding nakapag-uwi ng tigkakalahating cavan ng bigas mula kay Gov Oyi kapag nasa Bongabon dahil sa kabutihang puso ni PP Mel Ciriaco.
Dalawang beses nakadalo sa makabuluhang mangrove planting sa Binictican, Subic Bay Free Port, kanina lamang pong umaga ang ikalawa. Nakapag-stay sa ilang magagandang hotels sa Subic at Clark at kahit pa mga pulutong ng mga paniki ay aking namalas.
Nakapagbigay pugay din sa isang dating pangulo mula sa Bataan ng ito ay yumao.
Sa mga biyaheng ito, bitbit ang mga programa na lalo pang nagbigay kasiglahan sa samahan. Nagpasa ng mga panukala para sa mga makabuluhang proyekto at direksiyon na tatahakin ng samahan. Kasama na rin ang kinakailangang maging disciplinary efforts and decision sa isa o iilan upang pangalagaan ang pangalan ng samahan.
Nadala ko rin ang mga kasama sa Lungsod ng Malolos, nagsalu-salo at nguniiti sa maagang Christmas Party noong 2022. Nitong Agosto 2023 ay nailibot namin sila sa makasaysayang Barasoain Church, Malolos Cathderal, House of the Women of Malolos at iba pang historical houses sa lungsod na nagsilbing tanggapan ng mga pangunahing kagawaran sa ilalim ng Unang Republika ni Pangulong Emilio Aguinaldo.
Napatikim ko sila ng longganizang Calumpit, nadala ko sa Orante’s floating restaurant at sa Lawiswis Kawayan resort sa Calumpit din.
Hindi po tourism ambassador ang aking papel sa mundo subalit dahil sa ganda ng Gitnang Luzon, ipinagmamalaki kong napuntahan ko ang mga ito at namalas ng personal. Sukdulang higit pa sa magandang mga lugar, buong mga kalsada, sariwang hangin, city lights and urban life, mga kalabaw, mga gulayan, sibuyasan, kabundukan at karagatan, nakilala at nakasama ko kayong lahat na mga taga CLMA mula sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Aurora at kahit pa ang mga taga Bataan at ganundin ang aking mga kapwa media sa Bulacan.
Ang inyong pagiging kasama sa CLMA at bilang mga kaibigan ang trophy ko sa pagiging inyong pangulo sa mahigit 2 taon. Hindi ito kayang tumbasan ng ano pa man sa aking buhay. Ito ang dalisay at lantay na hiwaga ng smahang CLMA, ang pagkakaibigan, pagsasamahan saang panig ka man ng rehiyon at ikaw man ay peryodista, komentarista, TV anchors, vloggers, brodkaster. Ang mapunta ka sa isang probinsiya at may kailangan ka related man sa trabaho o personal ay may kasangga ka, iyan naman ang pangunahing layunin ng samahan, ang kapatiran at ang pagkalinga at pagtulong sa kasama mong nangangailangan.
At ang pinaka dalisay pa sa lahat ng ito ay ang panguluhan at mapaglingkuran ang ating mahal na CLMA. Sa mahigit dalawang taon, naging bahagi ng aking buhay ang CLMA, parang isang miyembro ng pamilya, at naging aking pamilya. Maraming salamat kay G. Thony Arcenal na kasama ko sa Bulacan Press Club sa tiwalang ipinagkaloob sa akin ng ako ay kanyang inominate upang inyong maging pangulo simula Enero 2020.
Sabi ko po noong ako ay pornal na nanumpa sa tungkulin noong Disyembre 2021, ay tinatanggap ko ang hamon. Naibahagi ko po sa abot ng aking kakayanan ang munti kong ambag para sa ating samahan. Ngayon po ang oras para ang iba naman ang MAMUNO at maglingkod. I did my part. I did my share, NOW, let others lead the way.
Ganoon pa man, hindi po ako mawawala, magsasama sama at magkikita po tayo sa ating bagong tatag na Central Luzon Media Citizen Council bilang inyong pangulo.
Kay bagong talagang Pangulong Victorio “Vic” Vizcocho Jr., tanggapin mo ang taos-puso kong pagbati at kagalakan na ikaw ang mamumuno ng ating mahal na CLMA. Ikaw ang pinusuan ng buong samahan. Certainly, the CLMA is in good hands.
Sa huli, nais kong sabihin:
“I have reignited the flame. Let us keep it burning. Mabuhay ang CLMA. Mabuhay tayong lahat”.