Ex-Kagawad, 4 pa, arestado sa bilyong halaga mula sa illegal quarry

Published

STA. MARIA, Bulacan–Nakakulong ngayon ang isang dating kagawad sa isang barangay sa bayang ito kabilang ang apat nitong trabahante dahil sa illegal na pagku-quarry ng high grade na escombro o yamang mineral na bato ng Bulacan na ang kabuuan ay aabot sa mahigit P1-bilyong halaga. 

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ni Atty. Julius Victor Degala, hepe ng Bulacan Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang lima dahil sa patuloy at malalim na imbestigasyong isinasagawa laban sa ilegal na operasyon nito.

Nais mabatid ni Gob. Daniel Fernando kung sino-sino ang mga sangkot at paanong tumagal ng 30 taon ang illegal quarry na tio ng hindi nalalaman ng sino man at kung paanong nanakawan ng multi-million halaga ng buwis ang pamahalaan at gayundin kung paanong nawasak ang yamang kalikasan ng lalawigan.

Nahuli ang ex-kagawad at ang apat nitong trabahante na nag-o-operate ng illegal quarry na ito noong Biyernes, Setyembre 2 sa kanilang lugar sa Barangay Camangyanan sa pamamagitan ng isang impormasyon na tinanggap ni Degala matapos niyang paigtingin ang operasyon ng anti-illegal mining nang Capitolyo sa bisa ng Executive Order (EO) No. 21 ng gobernador noong Agosto 16 na pansamantalang nagpapatigil ng lahat ng uri ng pagmimina at pagku-quary sa buong lalawigan.

Humingi ng assistance si Degala sa Bulacan Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) ng Bulacan sa pangunguna ni Maj. Jun Tabigo-on na siyang humuli sa mga ito.

Ito ang 30 ft. o dalawang palapag na taas o lalim na inabot ng illegal na pagku-quarry ng escombro sa Sitio Alimasag, Barangay Camangyanan sa Bayan ng Sta. Maria na tumambad kay Gob. Daniel Fernando ng puntahan niya ang illegal quarry site. Larawan kuha ni Carmela Reyes-Estrope 

Sa pahayag ni Tabigo-on sa NEWS CORE, sinabi nitong nagpanggap silang customer kaya nila nahuli ang mga suspek. Dinatnan niya at ng kanyang mga tauhan na illegal na nagku-quarry ang mga ito.

Noong Sabado, kinabukasan matapos silang maaresto ay kinasuhan na sila ng Mineral Theft o violation to section 163 ng RA 7942 o ng Philippine Mining Act of 1995, violation to 71-A Provincial Ordinance C-005 o pagku-quarry ng walang permit at violation din sa EO 21 Series of 2022 ni Fernando sa Provincial Prosecutor’s Office sa Lungsod ng Malolos.

Ayon sa gobernador na personal na tiningnan ang illegal quarry site sa Sitio Alimasag nitong Martes, nakakagulat na makita at malamang may ganoong yamang kalikasan na high grade escombro pala ang Bulacan sa lugar na iyon. Laking pagkasiphayo nito dahil ito ay ninanakaw samantalang marami ang mga kababayang mahihirap na dapat sana ay nabibiyayaan mula sa buwis na dapat ibinabayad nito sa Capitolyo. 

Ikinabahala rin ng gobernador ang iniwang hukay at butas na puno ngayon ng tubig na maaring pagkalunuran ng sino man lalo na ng mga batang naglalro sa paligid.

“Napakarami nating kababayang mahihirap at dapat sana ay nakikinabang sila sa yamang-kalikasan ng ating lalawigan sa maayos at legal na paraan at hindi ninanakaw ng ganito. Kinokorek ko lang ang maling gawa ng ilan nating kababayan, pinagkatiwalaan ako ng sambayanang Bulakenyo, ginagawa ko lang ang iniatang nila sa aking tungkulin,” pahayag ng gobernador sa panayam ng media.

Dagdag ng gobernador na ang nasabing bato ay siyang ginagamit sa landscaping, sa mga simbahan at building dahil sa magandang kalidad nito. Sakahan ang lupang ito subalit sa ilalim pala ay isang yamang mineral na de-kalidad na uring bato. 

Ayon kay Degala, ang isang hukay na halos isang ektarya ang luwang ay aabot ng 30 ft. ang lalim o katumbas ng mahigit dalawang palapag na gusali. Nakapag-quarry na ng limang butas o hukay ang mga suspek dahil nasa 30 taon na itong nag-ooperate at nagiiba-iba na ang mga tauhan.

Nasa 29,645 cubic meter na ang luwang ng kabuuang volume ng mga escombro na nakuha ng illegal quarry operator sa loob ng nasabing tagal na panahon.

Sa loob ng isang taon, ani Degala, kumikita ang illegal operator ng pinakamaliit na P100 milyon halaga mula sa P20 milyon sa kada jsang ektarya o isang butas at 25% nito o P25 milyon ang nananakaw at hindi nakokolektang buwis ng Capitolyo. 

Simula sa mas maliit sa P100 milyon na kita noong mga unang mga taong nag-operate ito noong 1990’s hanggang sa ngayon ay  papatak pa rin ng bilyon ang kinita ng may-ari nito at multi-million ang halaga ng buwis ang nawala sa Capitolyo. Kumpiskado ng Capitolyo ang dinatnang P350,000 halaga ng mga escombro at mahigpit na binabantayan umano ang lugar, ani Degala.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...