Ex-Mayor Jessie Viceo sa ika-3 distrito: Tuloy ang laban pagka-congressman

Published

SAN RAFAEL, Bulacan–Tuloy ang laban sa pagka-congressman sa ika-3 distrito ni dating San Rafael Mayor Jesus “Jessie” Viceo sa kabila ng mga balitang ipinakalat ng kanyang katunggali na siya umano ay disqualified ng lumaban sa darating na halalan sa Mayo. 


Sa isang panayam sa dating 18 taong alkalde ng bayang ito, ipinahayag nitong nag-file siya ng motion for reconsideration sa naunang decision ng Commission on Election (Comelec) na pag-disqualify sa candidacy ng isang nagngangalang Alvin John “Calvin” De Leon o magpawalang bisa sa Certificate of Candidacy na inihain nito upang maging kongresista ng ika-3 distrito. 


Ayon sa ipinakakalat ng kalaban ni Viceo sa mga posts sa social media, dahil ang dating punong bayan ang humalili o nag-substitute na kandidato dito ay automatic din umano itong disqualified. 

Subalit ayon kay Viceo na mas kilala bilang “Mayor Jessie,” hindi doon nagtatapos ang laban at hindi final at automatic na siya ay disqualified din sapagkat may karapatan pa siyang  habulin Ito sa Comelec en banc at maging sa Supreme Court. 

Aniya, matagal na ring naimprenta ang balota para sa halalan sa Mayo 9 at naroon ang kanyang pangalan bilang isa sa mga kandidato sa pagka-congressman ng ika-3 distrito, patunay na hindi siya disqualified.

Ayon kay Mayor Jessie na kilalang matulungin at bukas-palad sa lahat ng mga lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya, napilitan siyang lumaban sa darating na halalan upang muling makatulong sa mga mamamayan ng ika-3 distrito na aniya ay tila hindi narating ng mga pagtulong partikular ng mga dapat ay ayuda nitong buong panahon ng pandemya.  


“Kawawa ang aking mga kababayan sa San Rafael at mga kadistrito sa ika-3 distrito. Hindi sila nararating ng mga tulong na dapat ay para sa kanila. Matagal na silang nagtitiis,” pahayag niya. 

Matatandaang sumikat pa lalo ang pamilya Viceo noong halos early to middle part of 2000 matapos mabansagang “Voltes V” ang limang kapatid na babae ni Mayor Jessie ng magtungo ang mga ito at mag-ipon-ipon kasama ang kanilang mga supporters sa harap ng Bulacan Regional Trial Court sa Lungsod ng Malolos upang i-protesta ang umano ay maanomalyang desisyon ng isang judge tungkol din sa disqualification  case ng isa ring kaanak nilang mayor.


Nakilala at nabansagang nagbebenta ng kanyang mga desisyon ang nasabing huwes. Nakarating hanggang sa Supreme Court ang laban na iyon ng mga Viceo sa nasabing judge at sila ang nanalo.

Na-dismiss ang nasabing huwes sa kasong gross misconduct. Kabilang sa isinampang kaso laban sa huwes na Ito ay ang graft charges na umano ay paghingi ng  P200,000 kay Mayor Leonardo De Leon ng Angat, pagtanggap umano ng P5 Milyon mula sa isang babaeng pulitiko sa third district at pag-extort umano ng P6 Milyon mula sa noo’y  Mayor Romeo Estrella ng Baliwag, 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...