Fernando, Alvarado nanguna sa Peace Covenant Signing

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

LUNGSOD NG MALOLOS–Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ng National Unity Party (NUP) at Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ng PDP-Laban, magkatunggali sa pagka-gobernador ang Peace Covenant Signing ng provincial candidates sa lalawigan ng Bulacan na isinagawa sa Capitol Gymnasium kaninang umaga. 


Hindi nakadalo si Bise Gob. Alvarado sa Unity Walk mula Camp Gen. Alejo Santos papuntang Capitol Gymnasium subalit aktibo itong lumahok sa Peace Covenant Signing at nakipag-fist bump din sa kanyang kalaban, dating matagal na partner sa pulitika, Gob. Fernando.


Dumalo rin at aktibong nakilahok si dating Gobernador at Third District Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza na ka-tandem ni Alvarado sa pagka-bise gobernador at kalaban niyang si Bokal Alex Castro ng ika-4 na distrito.


Wala naman ang iba pang kandidato pagka-gobernador na si Kaka Ernesto Balite, Datu Adam Ocampo at Pancho Valerio.


Di rin nakadalo si dating ABC ng Meycauayan Vice Mayor Bogs Violago na ikatlong kandidato sa pagka bise gobernador.


Bukod sa Alvarado-Mendoza at Fernando-Castro tandems ay lutang din ang presensiya at partisipasyon ni PDP-Laban member Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz, kandidato sa pagka-kongresista ng bagong distrito ng Bulacan, ang ika-5 distrito at katunggali niya, Atty. Arnel A. Alcaraz ng NUP. 

Ang 51 provincial candidates na lumahok sa Unity Walk and Peace Covenant Signing na programa ng Bulacan Provincial Election Office at ng Bulacan Provincial Police Office. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope 


Ang laban ni Cruz na Pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter at isang Certified Public Accountant at successful businessman at Atty. Alcaraz ay single fight. 


Lumahok din si Augustina Dominique “Ditse Tina” C. Pancho na kandidato pagka-congresswoman ng ika-2 distrito kasama ang kapatid nitong si last-termer Rep. Gavini “Apol” C. Pancho. 


Naroon din ang magkalaban sa pagka-kongresista sa ika-6 na distrito Engr. Salvador Pleyto at mga katunggali, Mayor Fred Germar ng Norzagaray at businesswoman Kaye Martinez.


Nasa 51 lahat ang bilang ng mga dumalong provincial candidates habang hindi naman nakilahok sina Mayor Linabelle Ruth Villarica, na nagbabalik muli sa kongreso,  Violago, si First District Rep. Jonathan Sy-Alvarado at si Congresswoman Rida Robes ng Lone District of San Jose del Monte.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulacan governor gets green signal from Comelec to install OIC jail warden

CITY OF MALOLOS—The Commission on Election (Comelec) had already ...

UP Scientists Analyze Thin Films Deposited with Femtosecond Pulsed Laser

By: Eunice Jean C. Patron Traditional pulsed laser deposition (PLD)...

SSS and TESDA enter partnership arrangement for social security coverage of JO, COS workers

Around 3,800 Job Order (JO) and Contract of Service...

Taste More, Spend Less: A Summer Food Crawl Under ₱200 at SM Center Pulilan

When school’s out and the sun’s high, there's no...