Fernando, hinimok ang Boy/Girl Officials na maglingkod ng may P.G.B.

Published

Si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang 58 na Boy/Girl Officials sa pangunguna nina Girl Governor Lian Chariz V. Evangelista ng Carlos F. Gonzales High School sa  San Rafael at Girl Vice Governor Aleah Faith R. Sabio ng Virginia Ramirez-Cruz National High School, Pandi sa ginanap na Linggo ng Kabataan Boy/Girl Officials 2024 Transfer of Responsibilities and Oath Taking Ceremony kasabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Nasa larawan din ang mga halal na opisyal, pinuno ng mga panlalawigang ahensiya, at mga pinuno at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino.

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagbigay ng nakapupukaw na mensahe si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Boy/Girl Officials ngayong taon sa kanilang opisyal na pagsisimula sa mga tungkulin bilang mga counterpart ng mga lokal na halal na opisyal, pinuno ng mga tanggapan sa Kapitolyo at mga ahensya ng probinsiya sa ginanap na Transfer of Responsibilities and Oath Taking Ceremony of Boy/Girl Officials 2024 kasabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito nitong Lunes.

“Kayo ay naririto dahil may potensyal kayong maging mahuhusay na pinuno. Kaya naman baunin ninyo ang aking munting paalala. Ang pagiging isang epektibong lider ay nasusukat sa kanyang P-G-B: Pag-unawa sa Tungkulin. Aralin nating mabuti ang mga atas sa atin. Pakinggan ang boses ng mamamayan. para tama at angkop rin ang magiging aksyon na gagawin natin; Galing at Tiwala sa Sarili. Ika ‘nga, to achieve anything in life, you must first believe in yourself. At ‘syempre, magtiwala rin Tayo Sa Diyos Sa Kanyang plano at biyaya para sa atin; At higit sa lahat, Bokasyong Akayin ang Lahat Tungo sa Inaasam na Tagumpay. Ang isang epektibong lider ay hindi lang hinihintay sa taas ang kanyang mga kasama. Bagkus, inaakay at itinutulak natin sila pataas.  Walang pinipili, walang maiiwan,” ani Fernando.

Ipinagkaloob ni Gob. Daniel R. Fernando ang simbolikong susi kina Girl Governor Lian Chariz V. Evangelista ng Carlos F. Gonzales High School mula sa San Rafael, Bulacan at Girl Vice Governor Aleah Faith R. Sabio ng Virginia Ramirez-Cruz National High School mula sa Pandi, Bulacan sa ginanap na Linggo ng Kabataan Boy/Girl Officials 2024 Transfer of Responsibilities and Oath Taking Ceremony kasabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng umaga.

May temang, “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development”, sinabi ni Girl Governor Lian Chariz V. Evangelista ng Carlos F. Gonzales High School sa bayan ng San Rafael na ang mga kabataan na katuwang sa pagpapaunlad ng bansa ay handa na ngayong lumahok sa lokal na pamamahala at gumanap ng mahalagang papel sa publiko at sibiko na mga gawain para sa isang mas sustenable at inklusibong kinabukasan para sa lalawigan.

“May we use this as an opportunity to learn insights on what the government can do for us and what we can do for our government. Sa bawat sandali ng ating pagtitipon, hangad kong makita natin ang ating mga papel sa komunidad kung saan tayo nabibilang, at mahubog ang ating kamalayan bilang mga responsableng mamamayan at lider ng hinaharap,” ani Evangelista.

Samantala, si Girl Vice Governor Aleah Faith Sabio ng Virginia Ramirez-Cruz National High School mula sa Pandi ang counterpart ni Bise Gob.  Alexis C. Castro.

Isinasagawa ang nasabing mga aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan at bilang paggunita sa International Youth Day kung saan ang ika-12 araw ng Agosto ng bawat taon ay idineklara bilang National Youth Day.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...