Fernando, Outstanding Local Chief Executive 2023

Published

Ni Anton Luis Reyes Catindig at ng PPAO

DAVAO CITY—Higit na pagpapala at kagalakan ang natamo ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando kahapon, Agosto 15, ika-445th Founding Anniversary ng Lalawigan ng Bulacan matapos na pagkalooban siya ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Incorporated (ALSWDOPI) ng Gawad Parangal bilang Outstanding Local Chief Executive of the Philippines – Provincial Governor Category for Luzon Island na ginanap sa SMX Convention sa siyudad na ito.

Ang Gawad Parangal na dinaluhan ni Vice President Sara Duterte, dating mayor ng lungsod ay kaalinsabay ng 26th National Social Welfare and Development Forum and General Assembly ng asosasyon na may temang “Relevant and Responsive Social Welfare and Development Practices Amidst Political Conflicts and Movements for Social Change”.

Kinilala rin ng award-giving body ang malakas na political will ni Fernando sa pagpapatupad ng kakayahang panlipunan at kaunlaran ng kanyang nasasakupan.

Pinuri din ang mga inisyatiba at serbisyo ng People’s Governor na nag-aangat sa pangkalahatang kagalingan ng mga nasa vulnerable sector kabilang ang mga indigenous people, solo parents, senior citizens, at PWDs.

“Isang karangalan po para sa inyong lingkod na tanggapin ang parangal na ito bilang Outstanding Local Chief Executive of the Philippines under the Provincial Governor Category for Luzon Island. Ang parangal na ito ay hindi lamang sumasalamin sa ating pagsisikap at dedikasyong maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan kung hindi ito rin ay pagkilala sa sama-samang pagkilos ng mamamayang Bulakenyo para makapaghatid ng progresibo at positibong pagbabago sa ating Lipunan,” ani Fernando.

Si Bulacan Gov. Daniel Fernando, Gawad Parangal awardee ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Incorporated (ALSWDOPI), nakatayo sa likod ni Vice President Sara Duterte (nakaupo sa gitna) bilang Outstanding Local Chief Executive of the Philippines – Provincial Governor Category for Luzon Island kasama ang iba pa ring mga nabigyan ng pagkilala sa ibang kategorya at ang Bulacan social welfare and development officers sa pangunguna ni Bulacan Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson sa ginanap na awarding and 26th general assembly ng samahan sa SMX Convention sa Davao City kahapin, Agosto 15. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Pinasalamatan din niya ang ALSWDOPI at ang lahat ng magigiting na social workers ng bansa para sa walang kapagurang dedikasyon na isulong ang kapakanan at karapatan ng mamamayan gayundin ang mga pinuno at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na kanyang naging katuwang sa pagpapatupad ng mahalaga at makabuluhang programa para sa mga Bulakenyo.

Ang Gawad Parangal ay taunang programa ng ALSWDOPI na layong kilalanin ang mga Outstanding Local Chief Executives at Local Social Welfare Development Officers sa kanilang mga pagsisikap at ‘di-matatawarang suporta at kontribusyon sa pagpapalakas ng mga programa at serbisyong pagkalinga at proteksyong panlipunan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

10 Telegram Game Airdrops in November, Play the Games and Get Free Coins!

Discover 10 Telegram games offering exciting airdrops in November...

New “Weekday Boost” Promo to Celebrate Karaoke Manekineko Lippo Mall Puri’s Anniversary!

Karaoke Manekineko Lippo Mall Puri is celebrating its anniversary...

National Press Club reinvigorates fight vs. fake news 

PHILIPPINE DAILY INQUIRER Correspondent and NEWSCORE publisher and editor-in-chief...

PCO: ‘SAFER Culture’ key to safer future in fight against fake news

Clark, Pampanga, November 8, 2024 – The Philippine government...