Fernando: ‘Piliing tumindig sa tama’ gaya ni Gat Marcelo H. Del Pilar

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

 Joselle Dela Cruz 

Mula sa kaliwa: Bulacan Bise Gob. Alexis C. Castro; Chief Historic Sites Development Officer Gina Batuhan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas; Bulacan Gob. Daniel R. Fernando; dating Pinuno ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Greco Belgica (kinatawan ng Panauhing Pandangal at Tagapagsalita na si ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go; Bulakan Mayor Vergel Meneses; at mga Kinatawan ng mga Kaanak ni Marcelo H. Del Pilar. Larawan ni Joselle Dela Cruz

BULAKAN, Bulacan — Hinimok ni Gob. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na piliing tumindig sa tama sa kabila ng “pagmamalabis, karahasan, at pandaraya” na umiiral sa kasalukuyan na siyang ipinaglaban noon ng ating bayaning si Gat Marcelo H. Del Pilar.

“[S]a panahon kaya na ‘to, maaari pa bang gamitin ang pluma? Puwede pa kaya? Hindi pa rin tayo nawawala sa pagsakop ng ibang bansa… Sa ginawa ni Del Pilar na ginamit ang pluma para palayain ang bansang Pilipinas,” wika ni Fernando sa ika-174 Guning Taong Pagsilang ng bayani sa dambana nito sa Sitio Cupang, Brgy. San Nicolas sa bayang ito noong ika-31 ng Agosto.

“[A]ng tanong… puwede pa kaya ang pluma sa panahong ito? O sandatang pumuputok para maging malaya ang bansang Pilipinas? Kayo na po ang sumagot niyan,” dagdag pa ni Fernando.

Iginiit naman ni Masons of The Philippines Grand Master Ariel Cayanan ang kahalagahan ng pantay na edukasyon na siyang instrumento sa pagsupil ng kahirapan sa bansa.

“Hanggang ngayon po ay ‘yong pagkakapantay-pantay sa edukasyon na kanilang itinaguyod ay hindi pa rin po natin nakakamit… Ang manatili sa kahirapan ay ating magiging pangunahing kasalanan. Sana po ang kaniyang (Del Pilar) mga aral, kaniyang pagiging modelo ay hindi mawalan ng kabuluhan,” sabi ni Cayanan.

Kasama rin sa pangunguna sa Paggunita sina Greco Belgica, bilang kinatawan ni Sen. Bong Go, Bise Gob. Alexis Castro, Punong Bayan ng Bulakan Vergel Meneses, Pangalawang Punong Bayan ng Bulakan Aika Sanchez, Gina Batuhan ng National Historical Commission of the Philippines. 

Dumalo rin sa pagdiriwang sina Carmela Estrope ng National Press Club, Vic Viscocho Jr. ng Central Luzon Media Association, at Pangulo ng Bulacan Press Club na si Thony Arcenal.

Kinilala si Del Pilar bilang isang matapang na propagandista na may sagisag-panulat na “Plaridel” na siyang tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog noong 1882.

Kasama ni “Plaridel” sina Gat Jose Rizal, Gat Mariano Ponce at Gat Graciano Lopez Jaena nang itinatag ang La Solidaridad noong 1889.

Ilan sa mga tanyag na ambag ni Del Pilar sa panitikan ang Pag-ibig sa Tinubuang LupaCaiigat CayoDasalan at TocsohanAng Cadaquilaan nang DiosSagot ng Espanya sa Hibik ng PilipinasLa Soberania Monacal en Filipinas; at ang La Frailocracia en Filipinas.

Isinilang si Plaridel noong ika-30 ng Agosto 1850 sa Sitio Cupang, Brgy. San Nicolas, at namatay siya noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, Spain.

Itinalaga ang “Del Pilar Day” bilang National Press Freedom Day alinsunod sa Republic Act 7449 ng 1992.

“Marcelo H. del Pilar: Mga Likha at Aral — Pundasyon ng Kahapon, Inspirasyon ng Darating na Henerasyon” ang tema ng selebrasyon ito. Joselle Dela Cruz 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...