Fernando: Proteksiyon sa kalikasan at pagtigil sa pagkasira ng mga daan, mga naisin at isinulong ni Gat Marcelo H. Del Pilar 

Published

BULAKAN, Bulacan–Ang suspension order sa pagmimina at quarry sa ating kabundukan at ang pagpapatupad ng anti excessive volume ordinance para rin sagipin at proteksiyunan ang mga kalsada ng ating lalawigan lalo’t higit ang laban sa corruption ay siyang nais ng ating bayaning si Gat Marcelo H. Del Pilar.

Ito ang pahayag ni Gob. Daniel Fernando ng pangunahan niya ang ika-172 Guning Taong Pag-alaala sa Pagsilang ng bayani sa dambana nito sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas sa bayang ito.

Sa ipinagdiwang na okasyon na pinatupad pa rin ang minimum health protocols, kasama ng gobernador na dumalo at sumaksi sa selebrasyon ang iba pang mga opisyales gayundin ang mga provincial and municipal government heads at ang mga opisyales ng Department of Education sa lalawigan.

Tumugma ang mga mensahe ng gobernador at nina Bulacan First District Rep. Danilo Domingo at Bulakan Mayor Vergel Meneses ng pagdakila at pagpupugay sa bayani bilang pinakamahusay na anak ng Bulacan at nanguna sa bansa upang ilanatad sa pamamagitan ng kanyang panulat ang mga pang-aabuso at katiwalian ng dayuhang mananakop noong kanyang kapanahunan.

Ayon sa gobernador, ang ating mga lupa at mga yamang-lupa ay napagsamantalahan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at siyang nilabanan ni Del Pilar. 

Ngayon, aniya, ang Executive Order No. 21 na inilabas niya noong Agosto 16 na nagpapatigil sa pagmimina at pagku-quarry sa kabundukan ng lalawgan, ang pagbibiyahe nito na sobra sa bigat o laman ng mga truck na sumisira sa ating mga kalsada ay nagpapatuloy dahil sa corruption at pangongotong ang siya rin mismong nilabanan ng bayani noong kapanahunan niya.

“Ang pag-proteksiyon sa ating kabundukan, sa ating natural resources ay siya ring isinulong at kagustuhan ng ating bayaning si Gat Marcelo H. Del Pilar. Paano mahihinto ang mga ilegal na pagmimina at pagku-quarry at mabibigat na kargada nito na sumisira din sa ating mga kalsada  kung bawat daanan na bayan ay may nanghihingi, lagay dito lagay doon, kotong dito, kotong doon,” pahayag niya.

Ang Bulacan at mga opisyales nito ay matagal ng dinudusta at pnagtatawanan at binaligtad ang pangalan ng lalawigan bilang “Lubakan” dahil sa mga malalang lubak at sirang daan partikular ang MacArthur highway at Maharlika Highway.

Sa oras na bawiin na ng gobernador ang suspension, magpapatupad ang Bulacan ng 33-ton weight limit sa mga biyaherong trucks. Kabilang din sa ipapatupad ay ang Bulacan Environment Code na naglilimit sa mga kargada ng mga truck o ang excessive volume upang proteksiyunan ang mga kalsada. 

Ayon sa gobernador ipinatawag niya ang lahat ng alkalde ng Bulacan, maging bise alkalde, mga konsehal at barangay captains para sa isang leadership summit upang pagtulong-tulungan na lupigin ang corruption na sumisira sa yamang-kalikasan ng lalawigan at nga mga kalsada.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Bise Gob. Castro, sinabi nito na kasalukuyan na nilang pinupulido ang ordinansa tungkol sa excessive volume na kanyang inihain nitong Agosto upang suportahan ang polisiya ng gobernador.

Sa kanyang talumpati naman, sinabi ni Rep. Domingo at Mayor Meneses na ang baha, COVID-19 ang pangunahin nating mga suliranin sa kasalukuyan na dapat na pagtulungan ng lahat upang maresolba. Inamuki ni Meneses ang lahat na magpa-bakuna.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...