Ipinakita nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama sina (kaliwa) Jibeom Ku ng ARTBI Global Philippines Corporation at (kanan) Juan Paulo Mercado ng Craft Shack Inc. ang mga kopya ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng dalawang korporasyon na magbibigay ng libreng pampublikong wifi sa paligid ng mga munisipyo, barangay hall, at iba pang pampublikong lugar sa lalawigan sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Makikita rin sa larawan sina (mula kaliwa) mga Bokal Lee Edward Nicolas, Liberato Sembrano, Ramilito Capistrano, Richard Roque, at Cezar Mendoza.