Ipinamahagi ni Gob. Daniel Fernando ang mga glass food storage na ito sa pitong fast food stall owners sa Capitol Food Court ngayong hapon upang masiguradong lalong mas malinis at presentable ang mga pagkaing ibinebenta at inihahain sa mga kumakain sa lugar. Libre at kusang loob na ginawa ng gobernador ang hakbang na ito bilang suporta na rin sa mga food stall owners na halos tatlong dekada na ring umuupa sa pag-aari ng Capitolyo.