Gob. Daniel, Bise Gob Willy nanguna sa national ID System registration

Published

LUNGSOD NG MALOLOS –Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado at ng iba pang mga opisyales ng Capitolyo ang mabilis na sistema ng pagpaparehistro para sa national ID System sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Philsys Institutional Registration sa ginanap na “#DutyFirst Kapitolyo, Rehistrado” sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Lunes.

Bise-Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado. larawan mula sa Provincial Government of Bulacan

Ayon kay Marcelino O. De Mesa, Supervising Statistical Analyst sa PSA Bulacan ang Philsys ay pinrograma upang mapadali ng mga kawani ng gobyerno ang pag-access sa national identification system.  Ang Philsys ay ang central identification platform ng gobyerno na naglalayong magtatag ng isang pambansang sistema ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino at mga dayuhan sa bansa.

Kasabay ng dalawang pangunahing opisyal ng lalawigan ang mga bokal at department heads ng Capitolyo sa mga naunang nagpa-rehistro at ang iba pang mga kawani ng Capitolyo ay naka-iskedyul na magparehistro mula Hunyo 8-29.

Ayon kay De Mesa, maaaring magamit ang national ID bilang isang patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga transaksyon, maging sa isang ahensya ng gobyerno o pribadong institusyon at maaari ding magamit sa labas ng bansa.

“Ang inyong mga ID po ay idedeliver sa inyong mga address. Bukod dito, kikilalanin din po ang inyong mga national ID hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa; ang sabi nga, ito ay ‘one ID for all transaction’ at ‘ease of doing business.’ Mas pinadali dahil po hindi na kailangan pa ng iba pang ID at supporting documents, iisang ID na lang sa bawat transaction, sa gobyerno man o sa probadong institusyon,” paliwanag ni De Mesa.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang PSA sa mga lokal na pamahalaan upang tulungan ang pagpaparehistro sa Philsys ng kani-kanilang nasasakupan, kasama na ang proseso ng pre-registration at mismong pagpaparehistro.

Samantala, inihayag naman ni Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng Philsys at sinabing ang pagkakaroon ng national ID ay simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

“Tayo po ay lubos na sumusuporta sa Philippine Identification System dahil sa pamamagitan nito, maaari nang makuha ng ating mga kababayan ang iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno o sa pribadong institusyon na hindi na kinakailangan ng marami pang mga ID o ibang mga dokumento. Malaking kaluwagan ito para sa ating mga kalalawigan. At ang maganda rin dito ay makikilala tayo sa ibang bansa na tayo ay mga Pilipino sa pamamagitan lamang ng isang ID card,” ayon sa gobernador.

Ang Philippine Identification System Act na kilala bilang Republic Act No. 11055 ay nilagdaan upang maisabatas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018. (Kasamang ulat mula sa Provincial Public Affairs Office)

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...