Gob. Fernando: Napahinto na natin ang vote buying

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Malugod na ibinahagi ni re-elected Gob. Daniel Fernando ngayong Araw ng Pambansang Watawat na matagumpay nang nawakasan ng kanyang kampo nitong katatapos na May 9 elections ang matagal ng tradisyon at nakasanayang vote buying sa Bulacan tuwing eleksiyon. 


Sa wakas umano ay nagwagi ang Lalawigan ng Bulacan sa krusada nitong, “Bulacan is not for sale”. 


Aniya, ang halos umabot sa isang milyong botong kanyang nakuha (987,160) ay pawang malinis na boto ng mga Bulakenyo at walang anomang bahid ng vote buying sapagkat kailanman ay hindi niya ito ginawa. 


Aniya, dahil sa kanilang tagumpay ay natuldukan na ang vote buying sa provincial level. Bagama’t may ilang bayan pa umanong naiiwang nagsagawa ng vote buying ang mga kandidato nitong nagdaang halalan ay hihimukin niya ang ibang mga alkaldeng nanalo sa pamamagitan ng nasabing paraan na iwaksi na rin ang nasabing maling pangangampanya pagkandidato nito muli sa 2025 election.

“Salamat po sa mga hindi tumanggap ng pera at salamat din po sa mga tumanggap ng pera pero iba ang ibinoto,” pahayag ng gobernador.


Sinabi ito ng gobernador sa pinangunahan niyang selebrasyon ng National Flag Day sa loob ng Nicanor Abelardo Auditorium sa Hiyas ng Bulacan Cultural Center ng Capitolyo Sabado ng umaga.


Si Fernando na nasungkit ang kanyang ikalawang termino ay umani ng 987,160 na boto laban sa 586,650 votes ng kalabang si Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado.


Ang kanya namang vice gubernatorial running mate, Board Member Alex Castro na nanalo rin ay nakakuha ng 755,785 votes habang 626,656 ang nakuha ng kalabang si dating Bulacan Governor and Third District Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...