Hagonoy, inulan ng relief goods mula sa DSWD at Bulacan provincial government

Published

HAGONOY, Bulacan–Nasa 15, 370 na pamilya, marami sa kanila ang patuloy pa ring lubog sa tubig-baha mula sa walong barangay sa Hagonoy—Palapat, San Miguel, San Juan, San Isidro, Sta. Monica, Tampok, Sto. Nino at Carillo ang tinungo kahapon, Martes, Agosto 8 ng relief operations team ng Bulacan provincial government sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro, kasama si First District Board Member Mina Fermin at si Hagonoy Mayor Flordeliza “Baby” Manlapaz at tumamggap ng relief goods and hygiene packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Kapitolyo bilang bahagi ng pagtulong ng pamahalaan dahil sa mga bahang dulot ng bagyong Egay, habagat at bagyong Falcon.   

Nag-iingat sa paglakad sa ibabaw ng silya at bangko si Gob. Daniel Fernando kasama ang mga barangay officials ng Palapat, Hagonoy na patuloy pa ring lubog sa baha.

May bonus na saya ang mga residente sa paghahatid ng mga ayuda nina Fernando at Castro sa kani-kanilang mga barangay covered courts at eskuwelahan sapagkat bukod sa P200 na cash na bonus na ayuda ay may kasama pang “live comedy entertainment and singing” na inihandog ang dalawang champion sa public service at champion din sa pelikula at telebisyon bilang kapwa artista.

Bitbit na ang kanilang mga natanggap na ayuda at munting saya, nilusong na rin ng mga residente ng Barangay Palatpat ang baha upang makauwi na sa kani-kanilang mga bahay. Larawan ni Anton Luis Catindig

Masayang nakilahok ang lahat sa tawanan at enjoy na enjoy sila sa pagpapatawa at pagpapasaya ng gobernador at ng bise gobernador.

Ayon sa gobernador, lahat ay mabibigyan ng ayuda mula sa Kapitolyo at sa DSWD ayon na rin sa tagubilin ni Pangulong Marcos kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na parehong dumalaw sa lalawigan noong Lunes upang direktang marinig ang report ng gobernador ukol sa mga epekto ng baha sa lalawigan, mga sanhi nito at maaring mga lunas at solusyon.

Ang mga residente ng Palapat at San Isidro na tumanggap ng ayuda at saya. Larawan ni Anton Luis Catindig

Inuuna lang muna sa ngayon ang mga mas higit na napinsala at naapektuhan, ani ng punong lalawigan. Nauna ng napagkalooban ng mga relief goods and hygiene packs ang Bayan ng Guiguinto, Calumpit, iba oang mga barabgay ng Hagonoy at Balagtas.

Sa report ng gobernador sa Pangulo, nasa 296,426 families o 1,080,833 na mga residente ang naapektuhan ng mga pagbaha sa halos lahat ng 20 bayan at 4 na siyudad sa lalawigan. Nasa P500-milyon ang nasira sa infrastructure at nasa halos P759-milyon ang nasira sa agrikultura.

Ayon kay DSWD Secretary Gatchalian, nasa P500-milyon ang halaga ng mga relief packs at hygiene kits na inilaan para sa Bulacan.

Bukod sa relief goods, sinigurado rin ng Pangulo na may tulong sa pabahay, sa hanapbuhay at financial assistance na ipagkakaloob sa mga nasalanta ng baha.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

XRP Price Continues to Decline, Will It Drop Below $2?

XRP price faces volatility amid weakening buying pressure and...

Will BTC Price Drop Below $50? Bitcoin Faces Market Turbulence: An Analysis

Bitcoin faces market turbulence as its price drops below...