Kinoronahan sina Bb. Deserie Joy Gonzales Mendoza, 22, 4th year graduating Accountancy student ng National University (NU) sa Siyudad ng Baliwag at Mark Luis Thailan Francisco,  19, 2nd year Air Craft Maintenance Technology student ng Philippine Air Transport and Training Services (PATTS), Paranaque, Metro Manila bilang Reyna at Hari ng GulayAngat 2023 Festival kagabi sa Gymnasium ng Bayan ng Angat. 

Ang dalawa ay siyang pambato ng Barangay Taboc. 

Sila ang magiging lahok ng Bayan ng Angat sa Hari at Reyna ng Bulacan sa Singkaban Festival 2024. 

Ang Search for Hari at Reyna ng Angat ay isinagawa bilang bahagi ng pangalawang taong pagdiriwang ng GulayAngat Festival na sinimulan noong 2022. Larawan ni Anton Luis Catindig