Hindi awtorisado at hindi rehistradong lending platforms, imbestigahan! – Villanueva

Published

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyon na naglalayong siyasatin ang mga hindi awtorisado at hindi rehistradong online lending platforms sa bansa na nakakapambiktima ng daan-daang mga Pilipino.

Sa paghahain ng Senate Resolution No. 641, sinabi ni Villanueva na sa pagdami ng lending transactions sa pamamagitan ng digital platforms, dumarami rin ang bilang ng kaso ng mapang-abusong pangongolekta at debt recovery practices ng ilang mga kumpanya.

“Our office has been receiving hundreds of complaints from people who were harassed, intimidated, and shamed by the collecting agents of these online lending platforms for being unable to pay their loans on time,” sabi ni Villanueva.

“We need to put a stop to this inhumane and unethical practice and make sure that our kababayans are truly protected,” dagdag niya.

Ayon pa sa Majority Leader, dapat ipatupad nang maayos ang mga batas para matiyak na ang mga konsyumer ay nakikipag-transaksiyon lamang sa mga rehistrado at awtorisasdong online lending companies para maprotektahan ang kanilang interes at kapakanan.

Nauna nang binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Certificates of Registration ng 2,084 lending at financing companies na hindi kumuha ng kanilang Certificates of Authority (CA), habang 39 naman ang kinansela ang kanilang CA dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Sabi pa ni Villanueva, may ilang lending firms din na sobra-sobra ang pinapataw na interest rates at iba pang charges dahil sa pagkabigo ng mga borrower na magbayad ng kanilang obligasyon sa takdang oras.

Maliban diyan, may ilang mga kolektor din ang nagmumura at nagbibitaw ng masasakit na salita sa kanilang mga kliyente para mapuwersa silang magbayad ng kanilang utang.

Hiniling din ni Villanueva sa angkop na komite ng Senado na tingnan ang mga ulat na may mga online lending platform na sangkot sa iresponsableng pagkuha ng mga datos at impormasyon na labag sa ‘right to privacy and safe and secure transactions’ ng kanilang mga kliyente.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11765 o Financial Products and Services Consumer Protection Act, ang mga financial service provider ay pinagbabawalang maging mapang-abuso sa pangongolekta ng utang ng kanilang mga kliyente.

Bukod diyan, nakasaad din sa Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines na dapat isulong ang “fair, honest and equitable relations among parties in consumer transactions.”

Samantala, nakapaloob naman sa  Republic Act No. 3765 o Truth in Lending Act na dapat maging honest o tapat ang mga lender sa mga charges na kanilang ipinapataw at ipaalam sa mga borrower ang totoong cost of credit.

“Our people should be protected against deceptive, unfair, and unconscionable acts and practices, including abusive collection and debt recovery practices,” ani Villanueva.

“Debtors deserve to be treated fairly and with dignity,” dagdag pa niya.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Primeskills Powers Unforgettable VR Concert Experience at BSTARVERSE in Jakarta

Primeskills, Indonesia's immersive technology pioneer, partners with AMG to...

A Celebration of Community and Creativity at Canon PhotoMarathon 2024

The event attracted over 500 participants from all walks...

Abaddon sets out to ensnare players in its web – release date and price for Kong: Survivor Instinct revealed!

Polish indie studio, 7LEVELS, and Singapore based publisher, 4Divinity,...