MONDRAGON. Vhioly Rosatazo Arizala, NEWS CORE columnist.

MONDRAGON

Vhioly Rosatazo Arizala

Bakit ka nga ba nasa gobyerno? Bakit ginusto mo na maging empleyado nito? Nasa puso ba ito o dagdag points sa kayabangan na isa kang sangay ng pinaglilingkuran mo. 

Ang sarap kapag kampayahan, lahat gusto sumama kasi me inaasam na kapalit na maipoposisyon kapag nanalo ang kandidato, iyong iba naman sadyang tumutulong lang dahil gusto nila ang kandidato.

May mga financiers, mga ibat ibang business sector pra sa napupusuang kandidato, ibig sabihin ang lahat ay may kapalit. 

Oras na manalo na ang manok siguradong may mga CASHsuduan na ang mga tinamaan ng magaling. 

Mga taong nag-hangad ng posisyon subalit inaabuso ang mga maliliit na mamamayan at nangangailangan. Aba teka, ano palagay mo sa sarili mo manyaman ka na at kung umasta ka sa mga maliliit na tao akala mo GOBERNADOR ka na. Abay huwag ganyan.. Masama iyan.  

Balikan mo noong ikaw ay nangangailangan, ganoon din sila. Kaya lagi mo isaisip ang kabutihan ng iyong puso na ang magbabalik sa kabutihan mo na laging may ngiti at willingness na makatulong at makapagsalba ng buhay ng tao ay ang ating Diyos sa langit. Huwag maging plastik at pakitang tao.

Tandaan na ang lahat ng ating tinatamasa ay pwedeng bawiin agad ng Diyos kaya huwag magmataas. 

Huwag gamitin ang posisyon upang magpayaman, mag-subi ng milyon milyon, kapag namatay ka hindi mo din iyan madadala sa hukay. 

Mas mainam na mag-impok ng kabutihan sa tao dahil iyan ang tanging yaman na mapapakita mo sa ating Diyos. Kung sabagay meron pa bang pulitiko ngayon na TOTOONG MAKADIYOS AT MAKATAO ?