BOCAUE, Bulacan–Kung makakagawa pa rin ng ilegal na paputok ang mga manggagawa nito sa bayang ito ngayong bago mag-bagong taon, hindi kasama diyan ang Covid na ilegal na paputok.
Ito ang pahayag ni Gob. Daniel Fernando, sa ginawa niyang pag-inspeksiyon kahapon sa mga tindahan ng paputok sa bayang ito na tinaguriang fireworks capital of the country, dahil wala na umanong Covid ngayon o pahupa na ito lalo na sa ating bansa partikular sa Bulacan ay maaring hindi na ito gagawin ng mga nag-iilegal.
“Wala nang Covid ngayon kaya hindi na marahil iyan gagawin ng mga ilegalista at lalong hindi dapat gawin ang lahat ng uri ng ilegal,” ani gobernador.
Isang lalaki ang naunang hinuli ng Bocaue police habang gumagawa ng ipinagbabawal na kabasi, isang super lakas at ipinagbabawal na uri ng paputok.
Noong isang taon, sa gitna ng pandemya ng COVID-19 sa daigdig, isa ang paputok na “Covid” sa ilegal na ginawa ng mga magpuputok. Nakumpiska rin ito ng mga pulis sa kanilang masugid na anti -illegal fireworks operation.
Kilala ang Bocaue fireworks industry capital sa pagpapangalan sa mga ilegal at malalakas na uri ng mga paputok o sadyang nilalagyan ng higit sa daming chemical ang ginagawang paputok at ipapangalan ito sa mga pinaka sumikat na tao sa daigdig sa buong nagdaang taon.
Nauna riyan ang “Bin Laden” noong 1990’s ng sumikat si Bin Laden, sumunod diyan ang “Goodbye Gloria” noong early 2000, ipinangalan sa noo’y dating Pangulong Gloria Arroyo. Sumunod din ang “Coke in Can,” “Goodbye Philippine,” “Trillanes,” “Delima”. Mayroon din silang ginawang Duterte, Pacquiao, Kapuso, Eat Bulaga, Kapamilya, etc.
Ayon kay Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban, dahil may shortage sa raw materials o chemical sa pag gawa ng paputok ngayong taon bunsod na rin ng pandemya, walang magagamit ang mga nag-iilegal upang gumawa nito.
Aniya, ang naarestong iligalista ay isolated case lamang.
Sa pinakalatest na tala ng Bulacan Provincial Health Office kahapon, 58 na lamang ang active COVID-19 cases sa Bulacan ngayon.
Ayon sa gobernador, nakatuon sila ngayon sa maaring pagsailalim ng Bulacan sa higit na normal status or pandemic restriction Alert Level 1 pagpasok ng January 2022 kaya’t hinikayat niya ang lahat na lalong pagtulong-tulongan na ibaba pa o gawing “zero” na ang kaso ng COVID sa lalawigan.