LUNGSOD NG MAOLOS—Dagdag na paglilingkod at pangangalaga ang hatid ni Bulacan First District Congressman Atty. Danilo A. Domingo (DAD) sa kanyang mga nasasakupan matapos na buksan ang Alagang Tingog Center (ATC) ng Tingog Party List sa bakuran ng kanyang tanggapan sa Citywalk Sports Center, sa siyudad na tio noong Agosto 30.
Pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List Rep. Jude Avorque Acidre ang ginanap na pagpapasinaya at pagbabasbas. Ang nasabing ATC office ay ang ika-81 sa bansa.
Ayon kay Cong. Domingo. layon ng Tingog Party List at ng kanyang tanggapan ang pagtatayo ng ATC Satellite Office upang lalong mapaigting at mailapit ang serbisyo at mga programa ng pamahalaang nasyunal sa mga taga-Unang Distrito ng Bulacan.
Dumalo rin sa pagpapasinaya ng ATC sina PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, Gov. Daniel R. Fernando, Vice Gov. VG Alex Castro, Mayor Christian Natividad, Vice Mayor VICE Migs Tengco Bautista, Special Assistant to the Speaker Juan Xavier Tengco, Konsehal JV Vitug, Konsehal Michael Aquino, Konsehala Ayee Ople, Konsehal Dennis San Diego, at mga Kapitan ng Lungsod ng Malolos. Nakiisa rin sa pasinaya si Konsehala Mau Torres ng Bayan ng Calumpit.