BOCAUE, Bulacan—Inagurahan ni Senator Joel Villanueva kahapon, Mayo 28 ang bagong gawang ikatlong palapag ng Joni Villanueva General Hospital (JVGH) sa bayang ito, kaalinsabay ng pag-gunita sa ika-4 na taong pagpanaw ng kanyang kapatid, dating Bocaue Mayor Joni Villanueva kung saan ang pagamutan ay ipinangalan.
Ang ikatlong palapag ay mayroon na ring Intensive Care Unit (ICU) at bagong mga hospital beds at iba pang pailidad.
Ayon sa senador, ang ospital ay sentro ng pagmamahal at kalinga (love and care) dahil iyon ang itinutuloy nilang sinimulang gawin at adhikain ng kanyang namayapang kapatid, noong ito ay nanunungkulang alkalde hanggang nagkasakit ito at mamatay.
Ayon kay Dr. Renely Tungol, head ng JVGH, ang gumaganang 25 beds ng ospital ay may kabuuan na ngayong 81 beds dahil sa bagong dugtong na ikatlong palapag.
Mayroon na itong 3 bagong ICU at magiging full operational na ang Operating Rooms nito ngayong darating na Agosto.
Ani Tungol, mula Level 1, ngayong taon ay magiging Level 2 na ang JVGH at target nilang ito ay maging Level 3 na pagdating ng 2026.
Ayon naman kay Dr. Corazon Flores, DOH region 3 director, 1 taon na at 5 buwan ngayong Mayo nag-ooperate ang ospital bilang isang general hospital.
Matatandaang unang naging Jose B. Lingad Extension at naging isang COVID facility nito ang nasabing ospital.
Ang ospital ay naunang ipinatayo ni Mayor Joni bago pa ang 2020 COVID-19 pandemic. Noong mamatay siya, katuwang ni Senador Villanueva, si dating Bocaue Mayor at noo’y pangulo ng Bulacan Mayor’s League, ngayon ay Kinatawan Ambrosio C. Cruz Jr. ng ika-5 distrito, ay ginawa nilang Joni Villanueva Molecular Laboratory ang pasilidad.
Magugunitang namatay si dating Mayor Joni Mayo 28, 2020 habang kasagsagan ng COVID-19. Sa kabila ng dinaramdam sa katawan ay hindi ito namahinga, bagkus ay patuloy na ginugol ang sarili sa pag-gayak ng mga ayuda packs para sa kanyang mga kababayan.
Mahigpit pa ang restrictions at lockdowns at mahigoit na mahigpit ang paglabas ng bahay at tanging essentials na mga tinadahan lamang ang bukas ng buwan ng Mayo noong 2020 bunsod ng nasabing pandemya sapagkat kalahatian lang ng Marso ng ideklara ang national health emergency kaya napaka halaga para sa lahat ng mamanatan ang mga relief packs na buhat sa lokal at nasyunal na pamahalaan.
Ang JVGH ang nag-iisang DOH-run o ospital na oag-aati ng national government.