Tinanggap ni Dr. Renely Tungol at ni Sen. Joel Villanueva (mga nasa gitna) ang PhilHealth Konsulta program at Ambulatory Surgical Clinic certificates mula kay PhilHealth Bulacan Manager Allan Granali (pang apat mula kanan) bilang mga dagdag na medical programs and benefits na ipagkakaloob ng Joni Villanueva General Hospital (JVGH) na matatagpuan sa Igulot, Bocaue.
Ang seremonya ay ginawa kahapon, Mayo 28, bilang pag gunita sa ika-4 na taong kamatayan ng namayapang kapatid ng senador, dating Bocaue Mayor Joni Villanueva.
Kasama sa larawan, (mula sa kaliwa) sina Mayor Elena Germar ng Norzagaray, Plaridel Mayor Jocell Vistan, DOH reg. 3 director Corazon Flores, Mayor Ding Valeda ng Obando at iba pang opisyal. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig