KALAYAAN 2021: Kabayanihan ng medical front liners kinilala, PRRD magpupugay sa bayaning Bulakenyo

Published

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Kinilala ni Gob. Daniel Fernando ang mga medical and health front liners bilang kasalukuyang bayani sa laban ng bansa kontra COVID-19 sa isang payak na selebrasyon ng ika-123 Araw ng Kalayaan sa Barasoain Church ngayong umaga habang lubos umano ang kagalakan at pasasalamat ng mga Bulakenyo kay Pangulong Duterte dahil sa gagawin nitong bukod na Independence Day celebration ngayong hapon sa Capitolyo. 


Ito ang pahayag ng gobernador matapos niyang pangunahan ang nasabing okasyon sa pamamagitan ng isang muli ay payak na pagtataas ng bandila ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen.Emilio Aguinaldo sa harap ng simbahan ng Barasoain kaninang umaga. 


Tulad noong nakaraang taon dahil sa outbreak ng COVID 19 ay wala ring programa o mga pagsasalita sa entablado at walang mga miyembro ng komunidad na pinayagang dumalo upang mapanailiti ang no mass gathering at ang social distancing. 


Sa panayam ng media sa gobernador, sinabi nitong hindi lamang ang ating mga bayaning sila Jose Rizal, Marcelo Del Pilar, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar at marami pang iba ang ating inaalala at dinadakila ngayong ika-123 Araw ng Kalayaan kundi kasama rin ang ating mga medical and health front liners and workers.

ARAW NG KALAYAAN 2021. Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, Siyudad ng Malolos Mayor Gilbert Gatchalian at Vice Mayor Noel Pineda at iba pang opisyales ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo sa harapan ng Barasoain Church sa Siyudad ng Malolos na simpleng pagpupugay sa mga bayani at pag-gunita sa ika-123 Araw ng Kalayaan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

“Ang COVID-19 ang pangunahing digmaan na ating sinasalihan at kinabibilangan ngayon at ang ating medical front liners at mga health workers ang ating siyang mga bayani na nangunguna sa ating bawat hakbang upang magtagumpay,” pahayag nito. 


Hinimok niya ang lahat ng Bulakenyo na ipagpatuloy ang striktong pagsunod sa minimum health protocol upang tuluyan ng mapagtagumpayan ang giyera kontra pandemya.


Lubos naman aniya ang kanyang pasasalamat sa Pangulo sa pagbisitang gagawin nito mamayang hapon sa Capitolyo upang magdaos ng hiwalay at payak ding selebrasyon ng Araw ng Kalayaan at bigyang parangal ang mga bayaning Bulakenyo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...