LUNGSOD NG MALOLOS–Ang inaasahang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na mga araw at linggo at ang ganap ng kalayaan ng bansa mula sa pandemyang ito ang siya umanong pag-asang sinisimbolo ng ika-123 taong pagkakatatag ng First Philippine Republic ngayong araw kung saan ganap na natamo ng bansa ang kalayaan mula sa kamay ng mananakop.
Sa tema ng pag-gunita sa ika-123 First Philippine Republic Day ngayong taon, “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon,” ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando matapos niyang pangunahan ang nasabing selebrasyon na pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo sa Barasoain Church kasama sina Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian, Vice Mayor Lhen Pineda at kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines Rosario Sapitan.
Ayon kay Fernando, napakahalaga na gunitain ang First Philippine Republic Day upang patuloy na ipaalala ang naging kahalagahan nito sa tagumpay ng pagkamit ng kalayaan ng bansa mula sa mananakop mahigit 100 taon na ang nakakalipas.
Enero 23, 1899 sa Barasoain Church sa pamumuno ni Aguinaldo ng ratipikahan o pagtibayin ang Malolos Constitution o ang Philippine Constitution, ang backbone of Philippine Democracy na siyang kalipunan ng mga batas ng bansang Pilipinas, hudyat ng ganap nitong kasarinlan.
Binuo ang Constitution Setyembre 15, 1898 sa loob ng Barasoain Church, ilang buwan matapos ideklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng bansang Pilipinas mula sa mga Espanyol Hunyo 12, 1898.Katulad ng mga bayaning Pilipino at ng mga lider ng bansa ng itatag ang First Philippine Republic ani ng gobernador, hindi rin sumusuko ang mga Pilipino sa laban sa mapamuksang sakit na COVID-19 na ang mga kaso ngayon sa Bulacan ay nagsisimula ng bumaba.
Mula sa mahigit 10,000 ng unang araw nitong linggong ito ay nasa mahigit na lamang 9,000 ito ng magtapos ang linggo.
Ani ng gobernador, ngayong padating na Pebrero ay inaasahang patuloy itong bababa at maari ng maibaba muli sa Alert Level 2 status ang Bulacan o tumalon pa sa mas mababa na Alert Level 1.
Ngayong Pebrero din umano ay inaasahan ng magsimula ang pagbabakuna sa 5-11 years old hudyat upang payagan niya ang face to face classes sa Hunyo.
“Hindi ko papayagan ang mga bata na mag-face to face ng hindi pa lahat ay bakunado kabilang silang nasa pediatric level, 5-11 years old at 12-17 years old,” pahayag ng gobernador.
Nasa 1,198 ang bilang ng active cases na ibinaba matapos na matala ng 9,353 nitong Biyernes mula sa 9,661 noong Thursday, 10,098 noong Miyerkules, 10,343 noong Martes at mataas na 10,551 noong Lunes.
Mula sa 9,353 active cases, 8,721 ang nagpapagaling sa bahay, 81 ang nasa quarantine facilities at 551 ang admitted sa hospitals.
Ang City of San Jose del Monte ang may pinakamaraming record sa 1,347, kasunod ng City of Malolos na may 1,427, Sta. Maria na may 1, 097 at Marilao na may 544 at Bocaue na may 491.
Ayon kay Dr. Hijordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair, tila yata talagang pababa na ang trend ngayon at ito ay ngsimula sa Metro Manila at ngayon ay dito naman sa atin sa Bulacan at sana nga daw ay magtuloy-tuloy na ito.
“It is our wishful thinking na pababa na ang trend. Pero Pwede rin na under reported kasi may mga nagkakasakit na hindi nagpapatest. Pero sa National Capital Region mukhang naabot na yung peak. Baka tayo kasunod na rin,” pahayag ni Celia sa NEWS CORE.
Ang Bulacan ay sumailalim sa critical risk level dahil sa 922% growth rate nito kada linggo at 59% positivity rate.
Noong Disyembre 29, ang Bulacan ay mayroon lamng 80 active cases. Nagsimula itong tumaas sa 551 noong Jan. 3; 1,127 noong Jan. 5; 1,855 noong Jan. 6; 5,916; noong Jan. 11; 7,501 noong January 12; 8,117 noong January 13; 9,270 noong Jan. 14 at 10,551 noong January 17.
Sa ngayon ang Bulacan ay may total na 105,490 na confirmed cases simula noong Marso 2020, 94,629 rexoveries at 1,508 deaths.
Sa ngayon ay 27. 5% na lamang at maaabot na ng Bulacan ang 2.6 million herd immunity requirement nito matapos na magtala ito ng 1,883,981 fully vaccinated or 72.5% ng 2,596,146 (70% herd immunity population). Ang Bulacan ay may total 3,708,784 na populasyon.