Kaya na ba natin ang HUC, tanong ng ‘Laban ng Ordinaryong San Josenyo’

Published

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE—Viral ngayon sa social media ang vlog ng grupong “Laban ng Ordinaryong San Josenyo” na nagtatanong kung kaya na ba nilang mga residente ng siyudad na ito na sila ay maging isang Highly Urbanized City o (HUC).

Sa mahigit isang minutong vlog ay ipinaliwanag nito kung ano ang HUC at anu-ano ang mga disadvantages nito para sa kanilang mga ordinaryong  mamamayan ng siyudad. Una rito ang hindi na raw component lamang o independent city ang sityudad kapag ito ay naging HUC na kundi magsasarili na talaga ito at hihiwalay na ng buo.

Subalit ang tanong daw ay kung kaya na nila.  “Ang tanong mga ka-San Josenyo, kaya na ba natin, kaya na ba nating hindi na tayo magpapasakop sa Provincial Government ng Bulacan (PGB)?”

Ayon sa paliwanag ng grupo, kapag HUC na sila ay hindi na sila sakop ng provincial government ng Bulacan at hindi na sila magiging constituents ng lalawigan. “Hindi na tayo makikiparte sa yaman ng lalawigan”.

“Hindi na rin tayo makakaboto sa positions ng provincial government at hindi na tayo makakakandidato sa positions bilang governor, vce governor, mga bokal ng ating distrito”.

Inisa-isa rin nito ang mga benefits mula sa PGB na mahihinto na tulad ng scholarships, medical at burial assistance at iba’t iba pang uri ng social services katulad ng para sa mga Persons With Disability (PWD) at solo parents.

Ipinaliwanag din ng vlog na hindi na sila magiging priyoridad sa Bulacan Medical Center (BMC) na kung saan ay nakakakuha sila ng discount at may mga pagkakataong nalilibre pa.

Hihinto na rin ang mga infrastructure projects ng PGB katulad ng multi-purpose hall o building, school buildings, covered courts at iba pa.

“Kaya ang tanong , mga San Josenyo, kaya na ba natin ang HUC?”

Mawawalan ng cultural identity

Sa isa namang polyetong nagsimula na ring ipakalat ngayong unang araw ng Oktubre 19- 28 campaign period, ipinaliwanag naman ng isang grupong nagsusulong ng “ONE BULACAN Sapagkat ang SAN JOSENO ay Pusong BULAKENYO” na mawawalan ng cutural identity ang mga mamamayan ng San Jose del Monte bilang mga Bulakenyo kung sila ay magiging isa ng HUC.

Hindi na kasi agad-agad na kakabit o muling maidudugtong ang “Bulacan” sa pangalan ng siyudad kundi solo na at nag-iisa na itong magiging “San Jose del Monte City” mula sa dating, “City of San Jose del Monte, Bulacan”.

Lalo na nga at ang kasunod na hakbang ng mga nagsusulong ng HUC, ayon kay District 2 City of San Jose del Monte Councilor Romeo Agapito na kalaunan ay gawin na ang siyudad na bahagi ng Metro Manila.

Sadya umanong mailalayo na ang pagiging dugo at taglay na mga tubong Bulakenyo ng mga ngayong nasa humigit kumulang 25% ng 651,813 na mga residente ng kanilang siyudad. Nasa mahigit namang 75% sa mga ito ang nagmula sa iba’t ibang lugar sa bansa partikular mula sa Visayas at Mindanao at iba pang parte sa Luzon na mga naninirahan sa Metro Manila ng mga nakakaraang mga taon at napabilang sa pamilya ng mga Informal Settlers (IFS) doon at inilipat ng national government sa San Jose del Monte sa pamamagitan ng sunod sunod na malawakang housing projects simula pa noong 1968.

Economic dislocation

Ayon pa rin sa nasa likod ng polyetong nagsusulong ng “ONE BULACAN Sapagkat ang SAN JOSENO ay Pusong BULAKENYO,” ay mawawalay o mahihiwalay at mawawala sa eksena ang San Jose del Monte sa “world economic limelight” category umano ng Lalawigan ng Bulacan na ngayon ay tinatahak na  nitong kamtin dahil sa mga higanteng proyektong tulad ng New Manila International Aurport, ang North South Commuter Railway (NSCR) project at marami pang iba.

“Sa dumarating na kaunlaran ng Bulacan bilang new global province at economic powerhouse of the future, dapat lamang makasama at hindi mawalay ang San Jose del Monte sa daloy ng kaunkaran. Kapag ito ay naging isa ng HUC, ang siyudad ay nakawalay na sa nakatakdang pag-unlad ng lalawigan kaalinsabay ng mga development projects tulad ng New Manila International Airport, NSCR at iba’t ibang economic zones na pagmumulan ng decent at high paying jobs para sa mga mamamayan lalo na ang kabataan ng siyudad,” ayon sa paliwanag sa nasabing polyeto.

Kailangang lumamang ang “no” o “hindi” mula sa 2,099,914 na bilang ng mga botante sa lalawigan upang magwagi ang mga kontra sa pagiging HUC ng San Jose del Monte at sa kabilang panig naman ay kailangan namang mas marami ang bilang ng “yes” o “oo” upang manalo ang HUC, para naman sa mga nagsusulong nito.

Pangunahin si Mayor Arthur Robes at Lone District City of San Jose del Monte Rep. Florida Robes sa nagsusulong ng yes sa kanila namang pagnanais na mas higit na malawak na serbisyo sa kanilang lalong papalaki ng papalaking populasyon upang maibigay ang mas pangangailangan ng kanilang mga mamamayan sa iba’t ibang aspeto at larangan partikular ang basic delivery of social health services katulad ng medical, edukasyon, gayundin ang imprastraktura, trabaho at ekonomiya.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Guiguinto celebrates 27th Halamanan Festival

GUIGUINTO, Bulacan—This garden capital of the country continues to...

Who is the Most Famous Motivational Speaker?

Motivational speakers inspire (1), uplift, and guide people...

Powerful Collaboration: Nusantara Global Network & FBS Revolutionize Trading with Self-Rebate Program

Kuala Lumpur, Malaysia, 19 January 2025 – Nusantara...

Strategic Partnership: Nusantara Global Network & FBS Revolutionize Trading with FBS Rebates

Kuala Lumpur, Malaysia, 19/1/2025 – Nusantara Global Network...