MONDRAGON. Vhioly Rosatazo Arizala, NEWS CORE columnist.

MONDRAGON VHIOLY ROSATAZO ARIZALA

Napakadali na magdahilan ngayon, paraan para makaiwas sa lahat ng bagay subalit hindi pwedeng dahilan ang sakit na COVID-19 sapagkat ito ay maselan.

Kamakailan ay nakarinig akong muli na may papasyalang isang pulitiko ang ilang reporter upang makapanayam (hindi ang inyong lingkod) walang kagatol-gatol na sinabi nito na siya ay naka-quarantine. “Naka quarantine ako pre’ pasensya”. Subalit ilang araw lamang ay nakita ito na nasa loob ng munisipyo. Hahaha katuwa! Masyadong umiiwas sa hindi ko malamang dahilan.

Isa na naman muling kandidato ang hindi nakapaghain ng kanyang kandidatura at ito daw ay positive sa COVID-19. Gaano katotoo? Maaring ito’y nahihiya lamang sa kanyang desisyon, nagdalawang-isip. Magkagayon man ay itinuloy pa rin. Kahihiyan nga ba ang naging dahilan upang hindi sya personal na naghain ng kanyang COC.

Ano ang totoong dahilan positive nga ba? o kubid-kubidan lamang.

Mga igan kayo na ang mag isip…

MGA BODYGUARD NG KANDIDATO, ASTIG

Huwag kang pahara-hara sa daanan at hahawiin ka ng mga bodyguard ng kilalang pulitiko. Bastos din at walang galang. Tulad kaya ng amo nilang puitiko? Bakit nga kaya naglipana ngayon ang mga ganyang bodyguard ng  mga kandidato?

Animo’y sila na ang hari ng daanan. Aba teka nga naman, inutusan ba ito o sadyang mga bastos talaga sa kusa lang nila.. Kayong mga taga Bulakan, Bulacan, magisip-isip kayo sa mga iboboto nyo. Maging mapanuri sa mga aspirante.

Huwag maging BOBOTANTE isip isip muna ..