LUNGSOD NG MALOLOS–Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Gob. Daniel Fernando para sa kanyang second term re-election bid kahapon kasama ang kanyang bagong vice gubernatorial running mate, Bokal Alex Castro sa ilalim ng National Unity Party (NUP).
Noong Miyerkules, naghain ng kanyang COC sa pagka-gobernador upang labanan siya ang halos 12 taon niyang political ally, Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado. Katambal na bise gobernador ni Alvarado si dating Gob. at Third District Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza. Kapwa naman sila nasa Partido Demokratiko ng Piipino (PDP)-Laban.
BANDWAGON
Sa labang ito, karamihan ng nakaupo at bago pa lang na kakandidatong Bulacan mayors ay ng-exodus sa NUP upang samahan at suportahan at samahan ang kandidatura at tambalang Daniel-Alex.
Una na rito sina City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian, San Ildefonso Mayor Paula Carla Galvez-Tan at Pandi Mayor Enrico Roque sa kanilang re-election bids at Angat Mayor Leonardo de Leon sa pagtakbo niya sa vice mayoralty post..
Ang nagbabalik na 12 taong dating Bocaue Mayor Eduardo “JJV” Villanueva na anak ni Jesus Is Lord Bishop Eddie Villanueva, kapatid nina Senator Joel Villanueva at ng namayapang Mayor Joni Villanueva.
Kasama ring nakihugos sa band wagon ng Daniel-Alex tandem sina former City of Malolos Mayor Danilo Domingo na tatakbo sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan laban sa incumbent Rep.Jonathan Sy Alvarado, Agustina Dominique “Tina” Pancho ng Second District at Lorna Silverio sa Third District.
Sa Daniel-Alex din sumama sina Norzagaray Mayor Alfredo Germar para sa pagka-kongresista ng ika-anim na distrito at asawa nitong si Ma. Elena Germar sa pagka-mayor ng Norzagaray.
Si Raul “Aye” Mariano ay sumama rin sa NUP sa pagtakbo nito bilang bokal ng third district.
Sina San Miguel Mayor Roderick Tiongson mula sa United Nationalist Alliance (UNA) ay lumipat na rin sa NUP habang si Kapitana Jhane dela Cruz ng Iba, Hagonoy na kakandidatong mayor ng nasabing bayan ay lumipat na rin sa NUP mula sa Partido Federal ng Pilipinas.
Sumama rin sa NUP Daniel-Alex tandem sina dating Mayor Patrick Neil Meneses ng Bulakan, Glorime “Lem” Faustino ng Calumpit, Ma. Christina Gonzales ng Paombong, Arnel Mendoza ng Bustos, Renato Castro ng Sta. Maria, Ronaldo Flores ng Doña Remedios Trinidad, Jemina Sy ng Marilao, Joselito Polintan ng Balagtas, Leonardo “Ding” Valeda nh Obando at Eliseo “JJ” Santos ng Guiguinto.
Sa pagka-bokal ng Sangguniang Panlalawigan, sumama rin sa NUP sina dating Bokal Felix “Toti” Ople at Bernardo “Jong” Ople para sa first district at Erlene Luz Dela Cruz at Ramon Posadas para second district; at Romeo “RC” Castro, Jr. para sa third district.
Gayundin sina Allen Dale Baluyut para sa bokal sa ika-4 na distrito, Richard Roque sa fifth district; at Florinio Saplala, Jr. at Rico Jude Sto. Domingo para sa the sixth district.