LABANG MALINIS at MAKA-DIYOS: Reymalyn Team sa Sta. Maria

Published

Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Catindig

STA. MARIA, Bulacan–Binusog ng magkahiwalay na mga panalangin at dasal ng halos 30 pastor at misa sa simbahan ang umaga ni Kap. Renato Castro ng Barangay Manggahan, asawa at dalawang anak nito at mga kasama sa kandidatura ang paghahain nito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde ng bayang ito kahapon hudyat at patunay ng isusulong nilang malinis at maka-Diyos na  panunungkulan. 


Kasama ni Kapitan na naghain ng kanilang COC ang buong Team Reymalyn, vice mayoralty running mate dating 18 taong konsehal Obet Perez, Cristian Catahumber, isang retired policeman na 24 years sa service,  Froilan Caguiat, anak ng batikang reporter na si Paul Caguiat at si Ronald “Sonia” Cristobal, isang registered nurse at fashion designer, at si JV Salazar.


Ayon kay Kap. Castro, may ari ng Reymalyn Group of Companies, siya at ang kanyang pamilya mula laylayan ng lipunan ay biniyayaan ng Diyos kaya gusto niya itong ibahagi sa kanilang kababayan bilang pasasalamat sa Poong Maykapal.


Isang malinis at maka-Diyos na pamamahala ang ipagkakaloob ng kanyang panunungkulan sa Bayan ng Sta. Maria at una niyang pupunan ang pangangailangang pang-kalusugan lalo na sa medical partikular ang pangangailangan sa ospital ngayong panahon ng pandemya. 


Si Kap. Rey ay nagsilbi ding kagawad ng Barangay Manggahan bago sumabak at manalo bilang first time kapitan at lumabang alkalde ngayon. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Youth leadership training on a ‘Halloween’

By Isabela Grace del Rosario CALUMPIT, Bulacan - Instead of...

The House of the Philippines museum in San Diego, CA

By Carmela Reyes-Estrope SAN DIEGO, CALIFORNIA—Active and vibrant leaders and...

Secrets Behind Successful Speaking Events in Philippines

Hosting a successful speaking event requires careful planning...