Lalong nagningning ang Lungsod ng Malolos ngayong Kapaskuhan

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Lalong nagniningning at sumigla ang Lungsod ng Malolos ayon kay Mayor Christian Natividad ng nag-perform ang Philippine Philharmonic Orchestra sa harapan ng Barasoain Church nitong gabi ng Disyenbre 18.

Sa temang “Isang Gabi ng Musika,” inihandog ni Senador Joel Villanueva sa mga Bulakenyo ang world class orchestra music kabilang ang classic at traditional  na English and Filipino Christmas songs.

Lubos na naaliw at nakaramdam ng kakaibang saya ang mga puso at damdamin ng mga Bulakenyo partikular ang mga taga Lungsod ng Malolos dahil sa alay na musika ng senador.

Ikinagalak ng lubos ng alkalde ang nasabing handog musika at nagbigay pugay ito at pasasalamat kay Senador Villanueva gayundin sa lahat ng opsiyales ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando at Bise Gob Alexis Castro at kapwa alkalde na dumalo sa nasabing isang gabi ng musika.

Kinilala rin niya ang isa pang panauhin, Senador JV Ejercito na tubong Malolos din mula sa angkan ng kanyang ama, ang dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...

192 Cats, 32 dogs get free castration, spay services

CITY OF MALOLOS – A total of 192 cats and...