Lugi ang First District sa Re-Districting–Ex Mayor Danny Domingo

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Nalugi umano at naging kulelat sa higit pang dapat na progreso at asenso ang unang distrito ng Bulacan dahil hindi ito nakabilang sa redistricting o reapportionment ng mga bayan at distrito sa ilalim ng RA 11546 o Re-Districting ng Bulacan.


Ayon kay dating Malolos Mayor Danilo Domingo isa sanang napakalaking paraan upang makapag-uwi ng ibayo pang mga programang pangkaunlaran para sa mga Bulakenyo kung nahati na rin sa dalawa ang first district sa ilalaim ng nasabing batas. 

Ipinasa ang RA 11548 noong isang taon at bunga nito ay may nagkaroon ng 2 bagong mga distrito–District 5 and 6 na kung saan ay maghahalal na ang mga sakop nitong bayan ng bukod nilang kongresista.

Sa isang panayam kay ex-Mayor Danny noong Lunes ay sinabi nitong qualified na qualified ang unang distrito na mahati sa dalawa upang dapat ay doble na ang representasyon at boses nito sa kongreso pagkatapos ng darating na May 9 elections lalo’t higit ang mga proyekto at kapakinabangang maiuuwi sa mga sakop na mamamayan tulad ng nangyari sa ibang mga bayan at distrito sa ilalim ng nasabing batas.


“Malaki ang nawala sa mga taga unang distrito, dapat ay dalawang kongresista na ang nagmamahal at nangangalaga sa kanila, isa sa lone district of Malolos at Iisa sa kanila sa first district subalit hindi Ito magaganap” ang mismong mga kataga ng dating alkalde. 


Paliwanag nito na isinasaad sa Article 6, Section 5, paragraph 3 ng Legislative Department ng1987 Constitution na ang bawat legislative district ay mayroon dapat na pinakamaliit na bilang na 250,000 population at isang representative, “Each legislative district shall comprise, as far as practicable, contiguous, compact, and adjacent territory. Each city with a population of at least two hundred fifty thousand, or each province, shall have at least one representative”. 


Ang layunin ng batas na ito ay upang iwasan ang “under representation” o magkulang sa tamang bilang ng kongresista na mag-uuwi ng progreso samantalang higit higit at sapat naman ang takdang kailangang populasyon, paliwanag pa ng dating alkalde na isang patuloy na aktibong abogado sa ngayon. 


Ang 21 bayan at 3 siyudad ng Bulacan ay may tinatayang mahigit 3.7 milyong populasyon sa ngayon at tinataya ring mayroong nasa kulang 2 milyong voting population. 


Base sa 2015 census, ang unang distrito ay mayroon ng 717,000 population, ang second district ay mahigit na ring 700,000 habang ang third district ay 546,000 at ang fourth district ay may 749,000 kaya maari ng magdalawa o doble ng mga kongresista.


Habang doble na sa representation ang maraming mga bayan sa Bulacan dahil nga sa RA 11546 o sa redistricting o re-apportioning dahil sa pagkakaroon ng district 5 and 6, dalawa pa ang dagdag na ibobotong kongresista sa halalan sa May 9, subalit ang district 1 ay nanatiling isa lamang.


Kung naisabatas na umano sana ang Malolos Lone District ay may sarili na itong kongresista na magrerepresent sa kongreso at magmamahal pa at mag-aalaga sa mga taga Malolos. Gayundin, kasabay ng Lone District ng Malolos ay maiiwan bilang unang distrito ang mga Bayan ng Hagonoy, Paombong, Calumpit at Pulilan na may sarili ring bukod na kongresista na mag-uuwi rin ng sariling pondo at mga proyekto. Kung nangyari umano ito, mas higit ang progreso ng mga bayang nabanggit habang ang Bulakan naman dahil nalayo na sa Hagonoy, Paombong, Calumpit at Pulilan bilang unang distrito at naiwan na lamang na katabi ng lone district ng Malolos ay maari namang mapunta sa fifth o fourth district. 


Ang isang kongresista, ayon kay Domingo ay nakapag-uuwi ng mula P2-5 bilyon halaga at maaaring mas higit pa na mga proyekto at programa sa nasasakupan nito kada taon. Laki umanong biyaya nito kung may bukod na ganitong mga pondo ang Malolos na lone district at ang nasabing mga bayan na naiwan sa first district. 


Subalit ang malungkot umano at nakapanghihinayang ay walang ganitong biyaya sa unang distrito bagkus ay naghahati-hati ang nasabing 5 bayan at isang lungsod sa isang bahaging pondo lamang ng nag-iisang kongresista. 


Sa ilalim ng redistricting, nahati ang second district sa dalawa at nabuo ang fifth district. Naiwan sa second district ang mga bayan ng Baliwag, Plaridel at Bustos habang ang mga bayan nitong Guiguinto, Bocaue, Pandi at Balagtas ay naging fifth district. 

Sa pinagsamang mga bayan naman ng Angat at Norzagaray sa third district at Sta. Maria sa forth district ay nabuo ang bagong distritong sixth district at naiwan bilang third district pa rin ang nga bayan ng San Rafael, San Miguel, Doña Remedios Trinidad (DRT)  at San Ildefonso at naiwan pa rin bilang fourth district  ang Obando, City of Meycauayan at Marilao. Habang nanatili naman na Lone District ang City of San Jose del Monte. 


Ang Malolos ay dapat sanang naging isa ng lone district noon pang early part of 2000 subalit kinuwestiyon ng ilan ang noo’y projection pa lang at hindi pa naabot na kailangang 250,000 populasyon. 


Sinuportahan din si ex Mayor Danny ng isang kapwa niya dekampanilyang abogado sa Bulacan subalit ayaw magpabanggit ng pangalan at sinabing talagang matagal ng dapat nadoble ang kongresista ng unang distrito at malaki ang nawawalang progreso sa lugar dahil hindi pa ito nahahati. 


Ayon sa abogado, maaring i-push umano ang lone district kung iba na ang mayor ng lungsod ng Malolos. 


Si Domingo, may acronym na DAD (Danilo A. Domingo) ay kandidato pagka-kongresista ng unang distrito at ang pagsusulong ng lone district ng Malolos upang madoble ang kinatawan at kaunlaran nito ang pangunahin niya umanong isusulong sa kongreso kung siya ang papalaring manalo. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...