Halos isang linggong naging busy ang lahat, naghanda sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy, maging kapulisan at Comelec ay naging siyang mga punong abala.
Si Gobernador Daniel R Fernando at Bokal Alex Castro ay pormal nangg naghain ng kanilang kandidatura para sa 2022 election. The People’s Governor Daniel Fernando ay nagnanais na makamit ang kanyang pangalawang termino samantalang si Bokal Alex Castro ang kanyang Bise Gobernador.
Bago sila maghain ng kanilang kandidatura ay nagsimba muna at humingi ng basbas sa Maykapal.kasama ang boung partido nila.Naging maayos naman ang kanilang paghahain. Maging ang kanilang mga supporters ay limitado bagamat makikita mo ang pagmamahal ng mga supporters ng Team FERNANDO at CASTRO.
Samantala ang dating magka-partner ay nag-break na. Si incumbent Vice Governor Willy Alvarado ay ang kanyang maybahay kasama ang abogado ang nag-sumite ng OC sa kadahilanang si Bise Gob daw ay nag-positive sa Covid bilang katunggali sila ni The People’s Governor Daniel Fernando. Si former Congresaman at former Governor Jonjon Mendoza ay naghain bilang bise gobernador ni Willy Alvarado. Marami ang nagsasabi na ang dalawang ito ay mortal na magkaaway subalit ngayon sila ay mag kasangga na.
Sa larangan ng pulitika ganun naman talaga walang permenenteng kakampi o kaaway..Kadalasan pa nga yaon naging dating kakampi mo siya pa mismo ang gigiba sayo ng husto.
Sa Bocaue naman pormal na ring naghain si dating Mayor JonJon Villanueva, kapatid ni Mayor Joni Villanueva at Senator Joel Villanueva na anak ni Bro. Eddie Villanueva na kasalukuyan Congressman ng CIBAC sa pagka-mayor ng Bocaue kasama ang naulila ni Mayor Joni Villanueva na si Atty. Sherwin Tugna na siyang Bise Alkalde nito.
Madamdamin nag hayag ng saloobin si JJV matapos nito makapag file ng COC. Aniya lahat ng pinaghirapan at sinimulan ni Joni ay inaari ng kasalukuyang nakaupo. Itutuloy ni JJV ang pamamahagi ng mga ayuda na timba timba, social services, i-open ang munisipyo sa mga Bocawenyo.
Kung kinakailangan muli silang ma benta ng lupa upang makatulong sa kanilang mga mahal na kababayan.ay gagawin nila, Hindi ganun kadali upang mag desisyun siya na muli syang bumalik sa larangan ng pulitika sapagkat naparaming isinasakripisyo unang una ang pamilya na syang mahahati ang kanyang oras..
Subalit hindi na sya nagdalawang isip upang pagbigyan ang kanilang mga supporters, kasama ang kaniyang bayaw na siyang naulila ni Mayor Joni na si Atty Sherwin Tugna na syang bise Alkalde nya.
Bagay na bagay na magkapartner ang dalawa na may puso at nasa isip ang kapakanan ng mamamayan ng Bokawe. Hindi natin pwedeng tawaran ang kakayanan ni Atty Sherwin sapagkat naging Congressman ito ng tatlong termino kaya kailangan kailangan sila ng kanilang bayan. Good Luck sa inyo..
Buenaventura at Mateo saradong puso na, Matapos mag hain ng kanilang Certificate of Candidacy si Vice Mayor RiCKY Buenaventura sa pag ka Mayor kasama ang kanyang running Mate na si Konsehal Jun Mateo na siyang kanyang Bise Alkalde ng Bayan ng Sta Maria BuLACAN..At ang mga ka ticket nito masaya at maayos nairaos ang kanilang filling organisado at disiplinado. Mabuhay kayo.
Pulilan Mayor Maritz Ochoa Montejo muling tumakbo para sa kaniyang pangatlong termino bilang ina ng Bayan ng Pulilan mas lalo paiigtingin ang Contra Covid na patuloy na pagbabakuna na sariling pera ng bayan nila ang pinangbili nito, pag papagawa ng palengke , employment generation kailangan maging business friendly sila,magkaroon ng TAX HOLIDAY magkakaroon ng IT building na siyang inaasahan na mag gegenerate ng kanilang income sa kanilang mga employment patuloy parin ang pamamagi sa mga magsasaka, ng pataba, seeds at iba pa,
Napakaraming pang proyekto ni Mayora Maritz na kanyang ipag papatuloy sa muling pagiging ina nya ng Pulilan nakaka hanga ang ang plata porma nya na syang ginagawa niya ngaion. Keep up the good work Mayor. Kami ay sa iyo nakakahanga na ang kagaya mo ay buong buo ang layunin para sa iyong bayan.
SA BAYAN NAMAN NG CABIAO NUEVA ECIJA KAMAGONG ANG NO 1
Kung dati ang mga ginagawa nito ay supilin ang mga sakit ng lipunan, ngayon ay iba na mula ng magretiro sa kanyang pagka-pulis ay naging libangan na nito ang taniman malawak na palayan mag alaga ng hayop at ang kanyang sports ay maglaro ng golf na kung saan walang nanalo
Subalit ito ay tinawag sa larangan ng pulitika na ngayon ay papasok na sa ikalawang termino ,Masungit kung iyong titingnan matikas na matikas kahit asong ulol ay sasaludo dito, Likas sa kanyang pag katao ang pagtulong sa tao kahit nga ang inyong lingkod kapag lumapit at humingi ng tulong agad agad ang responde .
Napaka palad ng bayan ng Cabiao na may isang taong handang tumulong sa abot ng makakaya nito, walang kyeme derechong tao higit sa lahat hindi magnanakaw sa kaban ng bayan.
Hinahangaan ko ang taong ito Retired General Moises KAMAGONG Guevarra na kasalukuyan KONSEHAL ng bayan ng Cabiao..
Kung malapit ka lang Sir araw araw kitang sasamahan sa inyong paghahatid ng tulong sa inyong kababayan. Ipagpatuloy mo lang ang kabutihan mo sa tao nakikita ng maykapal ang inyong puso naway patuloy kang gabayan at ingatan at ibigay ang desire ng iyong puso ng ating AMA sa LANGIT muling nag hahandog ng serbisyong totoo MOISES KAMAGONG GUEVARRA 2022
Patuloy parin tayong mag ingat at laging manalangin..GOD BLESS US ALL