Mahigit 200 Bocaueño nagbenepisyo sa handog na medical mission

Published

BOCAUE, Bulacan–Matagumpay na nakapaghandog ng tulong-medical ang tanggapan ni Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna sa mahigit 200 kababayang higit na nangangailangan sa Barangay Lolomboy sa pamamagitan ng isinagawang medical mission nitong Biyernes.

Ayon sa bise alkalde na palagian ding naghahandog ng free legal assitance sa  mga kababayan sa iba’t ibang barangay ng Bocaue, ang kanyang tanggapan ay nakapagkaloob ng ibreng laboratory exam, eye consultation, eyeglasses at mga gamot.

Kabilang sa laboratory exam ay para sa FBS, total cholesterol check, BUN, uric acid, CBC with platelet, urinalysis, SGPT, ECG at eye exam.

Isang ginang na nagsadya sa medical mission sa Barangay Lolomboy ang personal na kinamusta ni Bocaue Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna. Contributed photo

“Lahat po ay libre at bunga ng ating tapat na paglilingkod katulong ang ating mga volunteer barangay health workers,” pahayag ng pangalawang ama ng Bayan ng Bocaue.

“Ito po ay parte ng ating komprehensibong programa para siguraduhin na mabuti ang kalusugan ng mga Bocaueño, at patuloy na ilapit ang serbisyo sa mamamayan,” dagdag pa niya.

Ang nasabing medical mission ay una pa lamang sa marami pang mga medical missions at iba pang katulad na programa na ilulunsad ng pangalawang punong-bayan sa iba’t-ibang barangay ng kanyang mahal na Bayan ng Bocaue.

“Dahil galing po ako sa inyo, alam ko po na sa panahon ng kagipitan, mahirap ang magkasakit. Sabi nga nila, “health is wealth.” Kapag healthy po tayo, healthy din tayong makakapagtrabaho para sa ating mga mahal sa buhay. May ginhawa at kasaganahan sa mabuting kalusugan,” pahabol na mensahe ng opisyal. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...