Malawakang paghuhukay ng mga ilog at creek kontra baha isinasagawa na

Published

MALOLOS, Bulacan–Sinimulan na ng Bulacan provincial government  ang malawakang paghuhukay ng mga waterways sa lalawigan tulad ng mga creeks at ilog bilang unang bahagi ng pagsugpo sa patindi na ng patinding mga pagbaha habang inaabangan na ang malaking proyektong dike ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang taon.

Sa kabila ng masungit na panahon nitong Sabado ay ininspeksiyon ni Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro kasama si First District Rep. Danilo Domingo, Provincial Engineer Glen Reyes at Bulacan Provincial Public Affairs Officer Katrina Bernardo-Balingit ang dredging ng Balite Creek sa Barangay Balite at Apulid Creek sa Lungsod ng Malolos gayundin ang Sapang Bangkal Creek sa Barangay San Isidro at ang ilog ng Barangay San Agustin na kapwa sa Bayan ng Hagonoy.

Kasalukuyan ding hinuhukay ang creeks at mga ilog sa mga Barangay ng Bulihan, Barihan, Santissima, at Mojon sa Lungsod ng Malolos.

Sinabi ng gobernador na pinauna muna niya ang mga creeks at ilog sa Malolos at Hagonoy at isusunod naman ang sa Bayan ng Calumpit sa unang distrito dahil ang mga ito ay coastal areas na matindi ang dinadana na pagbaha dulot ng high tide at nga pag-ulan at pagkatapos ay tatalon ang proyekto sa Guiguinto, Balagtas at Marilao na sakop naman ng fifth and fourth districts.

Ang back hoe na gamit sa paghuhukay sa brgy.Balite, Malolos, Bulacan

Ayon kay Balingit, target ng Capitolyo na mahukay at maibawas sa walong nabanggit na mga creeks at ilog ang kabuuang 35,000 cubic meters na volume ng mga lupa at burak na nagpababaw sa mga ito. Sinabi rin ng gobernador na tinatayang nasa sixty percent umano ng problema sa baha ng lalawigan ang mareresolba ng mga dredging activities at ito ay paunang hakbang lamang habang hinihintay ang itatayong dike ng DPWH sa isang taon. 
“Kailangan nating umaksiyon dito habang hinihintay ang gagawing mga dike at iba pang proyekto na magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa problema natin sa baha,” pahayag ng gobernador sa media. 
Aabot sa 12 ang mga backhoes na kakalat sa laawigan para sa proyektong ito dahil ang walong gumagana na ngayon sa nasabing mga lugar ay madadagdagan pa ng panibagong apat dahil bibili pa ang Capitolyo ng 4 muli. 
Tinagubilinan ni Fernando si Reyes na ilaan ang mas malaking pondo ng tanggapan nito para sa pagbili ng nasabing 4 pang mga backhoes. 
Sa ngayon, ang walong backhoes ay pinagtulungan ng Capitolyo at ng tanggapan ni Domingo. 
Ayon kay Castro, nasa P7-9 million ang halaga ng bawat isang backhoe at aprubado na nila sa sangguniiang panlalawigan ang pagbili ng karagdagang apat bago matapos ang taon. 
Dagdag ni Castro, sadyang malaki ang pondo ng Capitolyo na inilaan sa proyektong ito dahil kabilang pa sa mga gastusin dito ay ang krudo, manpower at maintenance. 
Hindi hihinto sa ngayon ang paghuhukay ng nasabing mga waterways, ayon sa gobernador. 

Matatandaang ipinangako ni Domingo ang karampatan niyang pagkilos kontra baha sa kanyang distrito noong panahon ng eleksiyon.
Kaya naman ayon dito ay agad niyang pinulong ang concern DPWH officials at hiniling at iginiit na bigyag prioidad ang pagtatayo ng dike. Sinabi ni Domingo sa media na tiniyak sa kanya ng DPWH na may ilalaang malaking budget para sa dike, river walls, pumping stations at flood gates sa kanyang distrito o 

coastal areas para sa 2023. 

“May budget silang ibababa para sa mga proyektong ito na kailangan natin para masolisyunan ang pagbaha,” pahayag ng kongresista.

 Ganunpaman ay nanawagan ang gobernador sa mga private contractors para sa isang bayanihan at magpahiram sila ng backhoes upang maging katuwang sa malawakang dredging. Sa ngayon umano ay may ilan ng tumugon at aabot aniya sa 15 ang lahat ng kanilang backhoes na magpapalalim sa mga creeks at ilog ng lalawigan. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...