
Sabi ng dating sikat na senador dito sa bulwagang ito na itago natin sa pangalang Joker Arroyo: Kapag bad ka lagot ka. Pero ngayon, kapaggood ka, lagot ka sa mga sindikato.
Ngayong araw, pilit po nilang kinaladkad sa pangalan natin sa mga flood control projects sa ating lalawigan sa Bulacan. Uulitin ko at parang sirang plaka na ako, Mr. President wala po akong flood control projects.
Hindi ko po sasabihin na I categorically deny this accusation dahil po may resibo po tayo. Meron pong pwedeng iberipika kung bakit po ito nangyayari.
Mr. President, noon pa man tayo ay lumalaban na against this flood control issues.
Since 2023, dito po sa mismong bulwagang ito at sa mga committee hearings binabanggit na natin ito.
(VIDEO)
Mr. President, noon pong time na yun nagpunta tayo sa Calumpit, kasama si Mayor Lem at Gov. Daniel Fernando binanggit po natin sa lahat ng news outlet na palpak talaga ang programa ng gobyerno sa flood control.
Two years later, ang Pangulo ng Pilipinas pumunta rin po doon sa the same town, with the same mayor and governor at sinabi rin po ng ating Pangulo palpak nga ang flood control ng pamahalaan.
Mr. President para po tayong sirang plaka sa Senado, paulit-ulit P1.4 bilyon ang budget ng gobyerno pero nasaan po itong flood control na ito.
In the same year, kanina sa Kamara sinasabi in the same year may program daw po si Joel Villanueva, wala pong maverify, wala pong ebidensya. Wala pong resibo. Pero patuloy po itong tinatanong.
Mr. President, sabi ng matatanda kung sino ung lumalaban siya yung gusto nilang tamaan ng mga sindikato. And if you can’t convince them, confuse them. Binanggit din po yan ni Mayor Vico Sotto.
Mr. President, hinahanap pa ba natin ang mastermind? Dito rin po sa bulwagang ito unang nasabi yung binabanggit kahapon ni Senate President Escudero a name that cannot be mentioned. Walang iba kundi si Dracula na ginawang tagapagbantay ng Kamara doon po sa national blood bank natin.
Ngayon, Mr. President nasaan po si Dracula bumaba daw po ang dugo. Bakit? Kulang na ba ang supply ng dugo kaya sa iba humahanap ng dugo si Dracula?
Sino ba ang mastermind nito, Mr. President? Hindi po ba ganito rin po ang ginawa sa atin two years ago nung nilabanan natin yung people’s initiative na may pinababasa at basa, basa, basa. Scripted lahat kahit walang ebidensya i-contempt mo. Kahit walang ebidensya ipako mo sa krus.
Mr. President, hindi po tayo natatakot sa mga ganitong uri ng demolition job. Handa rin po tayong madungisan ang ating pangalan. Mainsulto o batikusin kung ito naman po ang magliligtas sa ating mga kababayan at tuldok sa unli-baha.
Mr. President, let me put this on record: alam ko po kung bakit lumabas ang pangalan ko.
Kahapon po, Ginong Pangulo and Senator JV and Senator Chiz would attest to this. May hawak po ako na mga affidavits ng mga taga-DPWH sa Bulacan. Ipinakita ko po sa kanila at sabi ko ibi-bring up ko po sa committee ni Senator Marcoleta. Hindi ko po ito nagawa sapagkat alam naman natin ang nangyari kahapon. We were preparing, I didn’t get the chance to attend the committee hearing.
Pero sabi ko nga po kina Senator Chiz at Senator JV, this is way too low, Assistant District Engineer para namang, bakit naman pag-aaksayahan ko ito ng panahon.
And then, ito nga po lumabas bigla kahapon, ang taong ito. And I’m not trying Mr. President na just to defend myself and hit this pawn kasi alam naman natin kung sino ang may hawak dito.
Kaya ang hiling ko po sa bulwagang ito at hiling ko rin sa ating Pangulo. Alam ko na sinsero kayo, alam ko po na masakit po sa inyo itong nangyayari. Pero klarong-klaro po kung sino ang mastermind, Mr. President.
Klarong-klaro po kung nasaan na si Dracula, kung bakit bumaba ang dugo kasi hindi na po malaman kung saan itatago ang bilyun-bilyon o trilyong salapi kaya bumaba po ang dugo.
At mismong si Dracula sinasabing hindi naman nya gagawin ito kung walang basbas ng amo nya. Sino ba ang amo nya, Mr. President? Sino ba ang naglagay sa kanya bilang tagapagbantay ng National Budget?
Yun lamang po, Ginoong Pangulo ang nais kong sabihin.
Mr. President, binanggit ng ating Senate President Chiz Escudero ang mga pangalang hindi pwedeng banggitin noon pero ngayon po may ginagawa ang Diyos. Buhay ang Diyos.
Ito pong nangyayaring ito, alam mo nya na ito po ay magli-lead sa katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.
Uulitin ko po Mr. President, hindi lang po categorically denying yung binabatong putik sa atin at para dumihan ang ating pangalan. May resibo po tayo. Madaling beripikahin. Tayo po ay more than willing mag-undergo at sumali sa anumang imbestigasyon sapagkat wala po tayong tinatago.
Ngunit ang hiling ko po, Mr. President. Atin pong alamin at siguruhin na may ebidensya ang ating sinasabing sangkot dito at sa mga susunod na pagdinig, ibibigay ko po lahat ng aking nalalaman. Wala rin po akong sasantuhin, gaya ng sinasabi ko noon pa. At Mr. President, I will never betray my principle. I will never ever. I will never ever, Mr. President destroy the name that was given to me by my parents because it is priceless.
The bible says a good name should be chosen than great richest. Pinalaki po ako ng magulang ko na naniniwala ako sa langit at impyerno. Pinalaki po ako ng magulang ko na naniniwala ako that when you die here on earth, you will face your creator and immediately into judgement.
Pinalaki po ako ng magulang ko na sa impyerno walang graduation. Kahit bilyong taon kahit isang trilyong kapag ikaw nagkasala, kapag ikaw pinarusahan ng Diyos wala pong graduation doon.
Mr. President, my duty has always been to serve our kababayans lalong lalo na po ang mga kababayan kong Bulakenyo who suffer flooding year after year. That is where my focus remain, Mr. President. Finding real solutions, not engaging in black propaganda.
Mr. President, I will not be distracted by lies.
Instead, I reaffirm my commitment to the work that truly matters—serving our people with honesty and integrity.
#########
———————–The article provided is authorized for use, and represents solely the author’s personal opinions. Please contact us in the event of any potential infringement.