Manny Pacquiao at Gob. Daniel Fernando nagkaisa para sa Bulacan; solusyon sa Isyu sa tubig, trabaho  at imprastraktura, pinag-usapan 

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img
BULAKENYO PARA KAY MANNY PACQUIAO. tinaas nina Bulacan Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro ang kamay ni senatoriable Manny Pacquiao hudyat ng pormal na pag-endorso nisa nagbabalik na senador. 

LUNGSOD NG MALOLOS—Nakuha  ni Senatoriable Manny Pacquiao ang karagdagang  lakas sa kanyang pagbabalik sa senado ngayong 2025 matapos ipahayag nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Alex Castro ang kanilang pormal na suporta sa isang pagpupulong sa lungsod na ito. Nangako ang  political bloc ni Fernando na hihikayatin ang mga lokal na lider at mga Bulakenyo  na suportahan si Pacquiao, dahil sa kanyang makamasang mga polisiya at bisyon para sa kaunlaran ng lalawigan.

Tinalakay nina Pacquiao at Bise Gob. Castro ang mga pangunahing suliranin sa lalawigan tulad ng pagbaha, isyu ng  serbisyo ng tubig, at ang pangangailangan para sa mas matibay na paghahanda sa sakuna at imprastraktura.

“Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa tiwala nina Gob. Fernando at Bise Gob. Castro. Malaki po ang potensyal ng Bulacan. Kailangan lang po natin ng sapat na suporta mula sa gobyerno para tuluyang umangat ang buhay ng bawat Bulakenyo,” ani Pacquiao.

Mariing iginiit ni Pacquiao ang kanyang posisyon laban sa matagal nang isyu ng pribatisasyon ng mga pangunahing serbisyo tulad ng tubig.

“Matagal ko nang tinutulan ang privatization ng mga pangunahing serbisyo tulad ng tubig. Bakit natin ipapasa sa pribadong sektor ang isang bagay na dapat ay direktang ibinibigay ng gobyerno para sa tao? Dapat tiyakin ng gobyerno ang pagbibigay ng maayos at abot-kayang tubig sa bawat Pilipino,” pahayag ni Pacquiao.

Dagdag pa niya, kailangan na ang matagal nang inaasam na reporma.

“Noon ko pa isinusulong ang pagtatatag ng Department of Water Resources na siyang mangangasiwa sa lahat ng ahensya na may kinalaman sa patubig. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng malinaw na pamantayan at mas mahigpit na regulasyon para mapanagot ang mga kumpanyang lumalabag sa kasunduan sa gobyerno.”

Binigyang-diin ni Pacquiao ang pangangailangang mamuhunan sa modernisasyon ng mga imprastrakturang kintra sa  pagbaha.

“Kailangan nating mag-invest sa modernisasyon ng mga dam at flood control systems. Yung sobrang tubig tuwing tag-ulan, dapat mapakinabangan ng mga magsasaka at residente. Dapat ay may updated na disaster preparedness plan. Dagdagan pa natin ang mga early warning systems para maiwasan ang trahedya at pinsala sa komunidad,” aniya.

Nangako rin siyang susuportahan ang pagtatayo ng mga elevated coastal highways na mag-uugnay sa Central Luzon  at Metro Manila, na makakatulong para mapaluwag  ang trapiko at pagpapalago ng Regional Economy.

“Ang imprastrakturang ligtas sa baha ay susi sa mabilis na pag-unlad,” dagdag pa ni Pacquiao.

Inilahad din ni Pacquiao ang kanyang pananaw sa pagdadala ng pag-unlad sa mga probinsiya.

“Reverse migration—huwag tayong mag-focus lang sa Metro Manila. Kailangan nating paluwagin ang Metro Manila para mas mapa-unlad ito. Dalhin natin ang pag-unlad sa kanayunan. Magpatayo tayo ng mga tahanan para sa mga hindi kayang bumili, bigyan ng kabuhayan, at turuan kung paano magpatakbo ng negosyo,” ani Pacquiao.

Pinuri din niya ang kontribusyon ng mga MSMEs sa Bulacan at nanawagan para sa mas malakas na suporta mula sa gobyerno.

Ang Bulacan ang may pinakamalaking ekonomiya sa Gitnang Luzon, na may kontribusyong 27.2% sa Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng rehiyon na tinatayang nasa ₱631.64 bilyon.

“Ang MSMEs ang nagpapalakas sa ekonomiya ng Bulacan. Dapat tulungan ng gobyerno ang mga Bulakenyo para mas lumago pa. Bigyan natin ng lakas ang mahihirap sa pamamagitan ng pabahay, trabaho, at pagsasanay sa pagnenegosyo. Protektahan natin ang kabataan at susunod na henerasyon sa pamamagitan ng edukasyon.”

Binigyang-diin din ni Pacquiao ang kahalagahan ng mga malalaking proyektong tulad ng New Manila International Airport.

“Ang mga malalaking proyekto tulad ng bagong paliparan ay dapat magbigay ng direktang benepisyo sa mga lokal na residente. Sisiguraduhin kong may sapat na training at suporta para sa mga manggagawa upang makuha nila ang mga trabahong ito. Dapat din nating suportahan ang mga maliliit na negosyo na siyang gulugod ng ating ekonomiya.” 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bustos town re-electionist vice mayor cries foul on fake Comelec and media raid

BUSTOS, Bulacan—A vice mayoralty candidate in this town cries...

NAPC, Bulacan push cooperation with Russia on education, investments

By Shane F. Velasco MALOLOS CITY (PIA) -- The National...

TESDA launches ‘green’ TVET activities to foster environmental responsibility

By Michael A. Taroma BALER, Aurora (PIA) -- The Technical...

Over 1 million Central Luzon voters skipped previous elections — Comelec

By Maria Asumpta Estefanie C. Reyes CITY OF SAN FERNANDO,...