CITY OF MALOLOS–Patay sa car crash ang mayor ng Marilao, Bulacan matapos sumalpok ang sinasakyan nitong SUV sa isang lamp post sa kahabaan n Clark Development Corporation (CDC) Freeport Zone Linggo ng hapon..
Malungkot na kinumpirma ni Gob. Daniel Fernando ang pagkamatay ni Mayor Ricardo Silvestre Jr., 65,, ng makarating ito sa Medical City Clark kung saan itinakbo ang opisyal para agad na gamutin.
Agad na rumisponde at isinugod siya ng CDC traffic and security patrollers and teams kabilang ang NLEX-SCTEX guards at ang CDC Air Force medics sa nasabing hospital kasama ang driver nito na si Rodel Alcantara at secretary na si Karen Bonifacio.
Si mayor ay sakay ng colored white Toyota Land Cruiser registered as CAP 3127 na minamaneho ni Alcantara at binabaybay ang Clark Freeport bandang 5:40 p.m. nang bigla itong mawalan ng control sa manibela at kumabig ito ng pakaliwa sabay bangga sa concrete Pole Post. No 162 sa Prince Balagtas Avenue.
Ayon kay Special Agent Jose Evan Lee,
Desk Officer at Integrated Command Center of CDC ay kalalabas lang ng mga biktima mula sa North Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at papasok sa Freeport ng sapukin nga nito ang nasabing poste sa Prince Balagtas Extension 1.
Si mayor ay nakaupo sa likod ng front passenger seat habang katabi naman niya sa kaliwa si Bonifacio.
Ayon sa paunang imbestigasyon, biglang nawalan nh control sa manibela ang driver. Patuloy pang inaalam ng pulisya kung nakatulog nga ba ang driver habang nagmamaneho ito kaya nawalan ng control at sumallok sa poste.
Itinakbo rin sa Medical City Clark sina Alcantara at Bonifacio.
Dahil sa malakas na impact, bumagsal ang lamp post at nasira ito t halos in total wreck naman ang nasabing SUV ng alklade.
Si Fernando kabilang si Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr., President of League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter at City of Malolos Mayor Christian Natividad sa mga naunang nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng alkalde.
They said with Silvestre’s passing, Bulacan has lost a genuine leader who serves best the interest of the people of Marilao.
Ang pagpanaw ng mayor anila ay isang malaking kawalan sa buong Bayan ng Marilao.
Si Silvestre ay dating barangay captain ng Patubig at nagsilbi ring presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Marilao bago naging alkalde.
Siya ay nasa ikalawa na niyang termino bilang ama ng Bayan ng Marilao.