ANGAT, Bulacan–Mahigit 3,000 mga residente sa bayang ito ang tumanggap ng ayuda packs na ipinagkaloob ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Leonardo De Leon sampu ng mga kasama niyang naglilingkod mula sa pamahalaang bayan kaya’t pinangunahan niya ang pamimigay nito sa kanyang mga kababayan nitong Biyernes sa Pres. Diosdado Macapagal High School.
Umabot sa 3,600 ang kabuuan ng mga ayuda packs na naipamigay sa mga kapos-palad na residente sa 16 na barangay.
Ayon kay Mayor De Leon, malaki ang kanyang pasasalamat sa buong kapatiran ng INC lalo na sa namamahala sa pangunguna ng Executive Director nito na si Eduardo Manalo sapagkat palagian itong tumutulong sa Bayan ng Angat.
Kaagapay ni Mayor De Leon sa pamimigay ang mga army reservist sa pangunguna ng tubong Angat na dating ABC ng Bayan ng DRT na si Kapitan Leobardo “Jumong” Piadozo at municipal administrator Claris R. De Leon na kanyang anak at iba pang mga opisyales ng bayan.