‘Mayor Joni Villanueva bridge’ sa Bocaue binuksan na

Published

Ni Anton Luis Reyes Catindig

BOCAUE, Bulacan–Binuksan kaninang umaga ang P69-milyon halagang bagong palit na Bambang-Poblacion bridge sa bayang ito na nagdurugtong sa maraming barangay patungong kabayanan.

Binansagan ni Senator Joel Villanueva na “Mayor Joni Villanueva bridge,” ipinangalan sa namayapa niyang kapatid ang nasabing imprastraktura sapagkat ito ay nagawang bago sa pamamagitan ng alkalde.

Ani senador, sumugod sa senado ang kanyang mayor na kapatid buwan ng Disyembre noong 2018 at napilitan silang mga senador na isingit pang mapondohan ang proyekto kahit na sarado na ang budget deliberation para sa 2019 dahil sa pakikiusap nito sa kanila.

Ganun kasigasig sa paglilingkod at pagnamahal sa bayan ang alkalde kaya’t ang katotohanang ito ay nais ipaalam ng senador sa maraming tao partikular sa kanilang mga kababayan sa Bocaue.

“Ito po ang kasayasayang dapat ding matala, na ganun po kadedikado, ganun ang pagmamalasakit ni Mayor Joni para sa kanyang mga kababayan at Bayang Bocaue,” pahayag nito.

Ayon sa kabiyak ng namayapang alkalde, former CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, masayng masaya ang kanilang pamilya dahil ang proyekto ay isa na namang legacy para sa Bayan ng Bocaue at Lalawigan ng Bulacan ng kanyang pinakamamahal na asawa.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Introducing New High Tea and Dinner Packages at Karaoke Manekineko Malaysia!

Karaoke Manekineko Malaysia invites guests to indulge in delightful...

Ethereum (ETH) Price Drops Again, Is It Predicted to Reach $10,000?

Ethereum (ETH) price today has decreased. However, the prediction...