Mayor Valeda ng Obando, pinangunahan ang opening ng Obando Municipal Stadium at basketball league

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img
Masayang nagpakuha ng larawan kay Mayor Leonardo “Ding” Valeda (Ika-3 sa kaliwa) at Konsehal at tumatakbong Vice Mayor Rowell Sta Ana Rillera (kaliwa), si Bb. Lavigne Isidro ng Barangay Pag-asa matapos itanghal at gawaran ng parangal bilang Best Muse sa isinagawang Mayor’s Cup: Inter-Barangay League nitong Linggo, Marso 23 sa bagong Obando Stadium, Barangay Tawiran, Obando, Bulacan. Nasa larawan din si SK Federation President Lei John Delos Reyes (kanan). – Larawang kuha ni Harold T. Raymundo
 

OBANDO, Bulacan – Pinangunahan nina Mayor Leonardo “Ding” Valeda, Konsehal at tumatakbong vice mayor Rowell Sta Ana Rillera, Bokal William Villarica, at G. Dexter Devida ng Citizen’s Battle Against Corruption o CIBAC Party-List na kumatawan kay Senador Josel Villanueva, ang seremonya nang pagsisimula ng Mayor’s Cup: Inter-Barangay Basketball League 2025 nitong Linggo, Marso 23 sa bagong Obando Stadium, Brgy. Tawiran ng bayan na ito.

Labingi-isang koponan sa larong basketball at volleyball ang lumahok para ipakita ng mga Obandenyong atleta ang angking galing sa larangan ng palakasan, na inaasahang magbibigay ng sigla at saya sa mga manonood. Proyekto ng Obando SK Federation sa pamumuno ni Lei John Delos Reyes ang Inter-Barangay League sa pakikipagtulungan ng Obando Local Youth Council na pinamumunuan ni Angelu Aguinaldo.

Naihabol ang pagsisimula nang nasabing paliga sa katatapos pa lamang na bagong Obando Stadium, na pinasinayaan at pinabasbasan ng Pamahalaang Bayan ng Obando, ilang oras lang bago ang pagbubukas ng palaro.

Inihayag ni Mayor Valeda na Phase 1 pa lamang ang naturang stadium na pinondohan ni Senador Villanueva at may kasunod nang pondo muli galing sa butihing senador para sa Phase 2 nito, na pagkakabit ng mga air conditioning unit at magkabilang bleacher para sa mga manonood. Namahagi naman si Bokal Villarica ng Ika-4 na distrito ng Bulacan ng 3 bola ng basketball bawat koponan, na ikinagalak ng bawat manlalarong Obandenyo.

Itinanghal na Best Muse si Bb. Lavigne Isidro ng Barangay Pag-asa at nagwagi naman bilang Best Float ang Barangay Panghulo. Dumalo rin para makiisa sa pagbubukas ng Mayor’s Cup at pagpapasinaya ng Obando Stadium sina Konsehal Philip Dela Cruz, Kon. Mico Dela Paz, Kon. Evangeline Bernardo Bautista, Kon. Crina Palao Ramos, Kon. Buboy Banag , mga dati at nagbabalik na Konsehal Gerald Gomez at Gladys Gabriel, at Kagawad at tumatakbong Konsehal Erwin Valeda.

Nagpakita naman ng personal na pakikiisa ang ilang punong barangay ng bayan ng Obando na sina ABC President Kap. Benny Sta Ana, Kap. Manny Valeda ng Tawiran, Kap. Obeth Marquez ng Paco, Kap. Esmer Papa ng San Pascual, Kap Tessie Banag ng Paliwas, Kap. Ruben Serrano ng Catanghalan, at Kap. Bubot Sayao ng Panghulo. Samantala , nagpamalas ng husay at galing sa dalawang laro ang apat na team sa 11 koponan na kalahok.

Nagwagi sa unang laro ang koponan ng Binuangan laban sa league defending champion na San Pascual sa score na 73-69. Naitala din sa kasunod na laro ng barangay Paco ang unang panalo kontra sa koponan ng barangay Pag-asa sa score na 97-83. – Ni Harold T. Raymundo at Ramon Agustin/Obando PIO

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulacan governor gets green signal from Comelec to install OIC jail warden

CITY OF MALOLOS—The Commission on Election (Comelec) had already ...

UP Scientists Analyze Thin Films Deposited with Femtosecond Pulsed Laser

By: Eunice Jean C. Patron Traditional pulsed laser deposition (PLD)...

SSS and TESDA enter partnership arrangement for social security coverage of JO, COS workers

Around 3,800 Job Order (JO) and Contract of Service...

Taste More, Spend Less: A Summer Food Crawl Under ₱200 at SM Center Pulilan

When school’s out and the sun’s high, there's no...